Kahapon, kausap ko ang aking kaopisina. Di sya Pinoy.
May itinanong sya sa akin. Hindi ako nakasagot. Natulala, sapagkat hiyang-hiya ako. HinDi dahil may ginawa akong masama o ano mang bagay na magpapababa sa pagkatao ko bilang Pinoy.
Ang dahilan, basura.
Tama po. Basurang nagkalat. Basurang itinapon na lang sa kung saan. Basurang inanod ng baha dahil sa bagyong Gener. Basurang mula sa iba’t-ibang lugar, namasyal, napilitang manood ng paglubog ng araw sa isang bahagi ng seawall sa Roxas Boulevard. Tone-toneladang basura na lumabas sa balita at nakunan ng larawan.
Ito, kumakalat sa buong mundo via internet. Ito ang basurang nakita ng aking kaopisina. Ito ang basurang itinanong nya sa akin. Ito ang basurang nagdulot ng aking kahihiyan bilang Pinoy.
Matagal-tagal na hindi ako nakakaranas ng ganitong kahihiyan. Matagal-tagal na rin na di ako natatamimi.
Kahapon lang ulit.
Kaya, muli, ang utak kong matagal-tagal ng di nagtatatanong at nagiisip, bigla na lang napuno ng mga tanong. Pakiwari ko, bigla na lang itong nagasgas dahil sa basura.
Naiinis ako. NapiPikon. Bwisit talaga! Sino? Sila! Mga gago at tanga!
May mga sinabi at karanasan na muli bumalik sa aking isipan.
Ang sabi ni Kulas.
ang siste, ang mga pinoy kung nasa ibang bansa, marunong magtapon ng basura sa tamang lugar, pag nasa pinas, bahala na si batman.
Tama si Kulas.
Kasi minsan, nakita ko ang mukha sa binanggit ni Kulas. Tawagin na lang natin sya na, ang matino na gago at tangang pinoy.”
Pauwi ako sa Pinas noon. May nakasabay ako. Mapino ang kanyang kilos, malinis ang anyo, maayos ang bihis, kagalang-galang ang dating. Sa boarding area ng Changi Airport, habang naghihintay, kumain muna sya ng chocolate. Unti-unti, naubos ang mamahaling tsokolate.
Malumanay na uminom ng tubig.
Pagkatapos ibalik ang bottled water sa kanyang leather bag, tumayo, luminga-linga, may hinahanap.
Basurahan. Garbage bin.
Pero wala. Wala syang nakitang basurahan na malapit sa kinatatayuan nya.
Habang umuupo, dahan-dahan nyang itinupi ang wrapper, maingat na isinuksok sa isa sa bulsa ng kanyang magara, kulay itim at tila mamahaling coat. Kinuha ang iPad. Nagbasa.
“Cool. Tunay kang pinoy kabayan!,” yan ang naisip ko. Napangiti ako at napahanga sa kanyang ginawa.
Pag dating sa Pinas, hinubad ang magarang itim na coat, Kinapa-kapa ang bulsa, may dinukot. At bago sumakay sa mamahaling sasakyan na sumusundo sa kanya, ang wrapper ng tsokolate na iningatan at ibinulsa sa magara nyang coat, itinapon na lang basta sa kalsada. Hindi man lang sya nagpatumpik-tumpik o lumingon-lingon pa katulad ng ginawa nya doon sa airport ng Singapore.
Humarurot ang sasakyan. Para bagang sinasabi nya, “I’m back to where I belong! My one and unli beloved Philippines.”
Ang wrapper naman, natangay ng hangin, “OMG! He just dumped me in the street. Shit! This is it! Welcome to the Philippines!“
***
Basura! Basura! Basura!
May taong matino.
May taong gago.
May tao ring tanga.
Sa kaso ng tone-toneladang basura
na naanod sa Roxas Boulevard
malinaw na
mas marami ang gago at tanga.
Kung ikaw ang isa
sa napakaraming gago at tanga
Sensya na
Kailangan kong sabihin ito
Dapat napasama ka na
sa mga naanod na basura.
Di kita sinisisi
Dahil wala nang silbi
Lalo na kung gago at tanga ka.
Basura! Basura! Basura!
Mas masahol ka pa sa basura.
Related articles
- Roxas Boulevard trash flooding a grim reminder of lessons not learned (newsinfo.inquirer.net)







Hay, tama ka kaibigan kahit saan mang lupalop sa Pilipinas, basura pa rin ang problema, pati sa gobyerno natin, ganun na rin and nagyayari…
@ Major Tom
yon nga sir ang problema. nagtataka lang ako kasi simula sa pagkabata itnuturo na wag magtapon ng basura sa tamang lugar pero wala namang nangyayari.