“Basta, ang importante, mahalaga.” Minsan narinig ko ito sa isang tao.
At nasabi ko, okay ito. Di ko na pinag-sipan pa kung talagang ang importante, mahalaga.
Kaya naman, tuwing may makakausap ako na tipong may problema, lagi kong naisisingit sa usapan ang linyang, ‘basta, ang importante, mahalaga. Kapag minsan naman, binabaligtad ko, “ang mahalaga, importante.”
Kung minsan, natatawa ang pinagsaabihan ko. kung minsan naman naiinis at napapagsabihan ako, ‘nang-aasar ka ba?”
Dahil nga di ko naman pinag-isipan kung ano ba talaga ang saysay nito at sa tingin ko lang ay okay sabihin, kaya, as expected, ang sagot ko ulit, ‘basta ang importante, mahalaga.” ha ha ha
Noong isang araw, sinubukan kong pag-isipan kung ano nga ba ang ibig sabihin o may kahulugan ba o may saysay ba ang salitang, ‘Basta, ang importante, mahalaga.”
So, ano nga ba?
Ito ang mga salitang mabilis na sumagi sa aking isipan.
Ang importante, mahalaga.
Ang hindi importante, hindi mahalaga.
Ang hindi importante, posibleng mahalaga.
Ang importante, posibleng hindi mahalaga.
Ang importante sa isang tao, maaring hindi mahalaga sa ibang tao.
Ganon din naman na ang hindi importante sa isang tao, maaring mahalaga sa ibang tao.
Marami pang bagay ang pumasok sa aking isipan pero wag na ninyo ako tanungin kasi inantok ako. Nakatulog at pag gising ko kinabukasan, nakalimutan ko na ang iba pang bagay bagay na pumasok sa isipan ko.
At ang kamangha-mangha sa lahat, makalipas ang ilang araw simula ng nag-isip ako, kanina, pag gising ko, iisang linya pa rin ang malinaw na malinaw at hindi ko nakakalimutan, ‘basta, ang importante, mahalaga.”
Naisip ko (ay salamat naman gumagana pa. lol), siguro, pag dating ng panahon, maipapaliwanag ko rin ng maayos ang aking pagka-intindi o pagka-unawa sa mga salitang ito.
Sa ngayon, ang masasabi ko lang, ‘basta ang importante, mahalaga.”
Kita nyo, mayroon ako naisulat dito kahit papaano.
LOL
oops, teka muna, tama bang sabihin, “basta, ang importante, mahalaga?” Kung ikaw ang pagsasabihan ko nito, matutuwa ka ba o maiinis?










matatawa ako syempre. ha ha click sa akin yan nang mauso at ilang beses ko ring ginamit. for me, it’s just plain saying, “wag ka kokontra kung ano ang mahalaga para sa akin!” ha ha
ha ha ha
hahaha mdalas ko din gamitin yang linyang yan