Pnoy, Mirriam, Pugante Napoles, at iba pa

Sumuko na ang PUGANTENG si Janet Lim-Napoles! Yan ang breaking news sa halos lahat ng media outlets sa Pinas kanina.

Wow! Galeng! Finally, ang Most Wanted Fugitive (PUGANTE) na may patong sa ulo na PHP10 billion pork este reward na sampung milyong piso (mula limang milyong piso), ay sumurender na.

Kanino? Sa taong may pinakamataas na pwesto sa gobyerno ng Pinas, si Pnoy.

Bakit kay Pnoy? Kasi si Bishop Tagle, dedma lang. Ang sabi nga nya, “Alam nyo mas maganda pa, magpa-litrato na lang tayo.

Kaya, parang gusto ko nang maniwala sa sinabi (daw) ni Napoles, “Hawak ko ang gobyerno ng Pinas.”

Imagine, ang tindi talaga ng koneksyon ni Napoles, abot sa palasyo, sa Pangulo pa sya sumuko.  Iba talaga kapag may P10.00 bilyones na itinatagong pork. At tila yata,  inihatid (???) pa ni Pnoy si Napoles sa Camp Crame.

Kung sabagay, di rin nalilihis ang ganitong sitwasyon kasi sabi ni Pnoy, ‘Kayo ang boss ko.

Si Janet Lim-Napoles ay Pinoy kaya sya ay Boss rin ni Pnoy.

O di ba?

BUTt, if I were Pnoy (unfortunately, di ako si Pnoy.  bayani lang ako. lol), I would ask ordinary folks from the so-called informal settlers and let Napoles surrender to them in their place. MAS OKAY KUNG DOON SA BAHAY NG INFORMAL SETTLERS SA ILALIM NG TULAY! 

Wag na ninyo akong tanungin kung bakit?

Teka ang warrant of arrest pala ni Napoles  ay para sa kasong “serious illegal detention,” Ang kaso para sa “PLUNDER o PANDARAMBONG” ay  later pa lang daw ayon sa kanya. lol

Description unavailable

Photo credit: James Sarmiento

Sumuko na si Napoles!  Yan ang breaking news kanina sa Pinas.

Ang tanong, bakit ngayon lang?

Sa wari ko, plantsado na ang script.  Makatotohanan na ang rehearsals sa workshop, memoryado na mga linya at dayalogo, handa na rin ang bida, kontra-bida at ekstra ganon din ang entablado at ang mga props

Lights, camera, action!

Welcome to the 2013 series of The Philippines Never-ending Story Part (n)x! – Ang walang Hanggang Nakawan at Lokohan.

Ang huling eksena sa serye na ito na pinag-iisipan pa, To be forgotten or to continued: SASAMPULAM BA o HNDI? Makukulong ba sya at sila?

PAHABOL:

Sabi ni Mirriam, ang politics ay isang salita na binubuo ng dalawang pantig (syllable):
poli = many
tics = blood sucking parasites

Mirriam does politics and she belongs to it .
so
Miirriam is one of the many blood sucking parasites.

LOL.

Paunawa:  Kung sa palagay mo ay walang kwenta ang post na ito, mag-iwan ka ng iyong bakas o bayolenteng reaksyon sa ibaba nito. Salamat po.

0 Responses to “Pnoy, Mirriam, Pugante Napoles, at iba pa”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Categories


%d bloggers like this: