About Gloria, politicians and us

Napanood ko si Gloria Kahapon sa isang balita sa TV. Nakatuwa sya dahil ayon sa balita pagkadating na pagkadating niya mula sa kanyang foreign trip dumeretso agad sya sa Divisoria para alamin kung ang presyo ng mga bilihin ay tumaas in particular ang presyo ng school supplies. Habang hawak ang isang box ng crayon, ipinagmalaki pa nya na wala naman palang pagtaas ng presyo.

Very touching indeed. Kakalaglag ng puso sa unang tingin. Ang babaeng pinaka-powerful sa bayan kong Pilipinas, concern na concern sa mga Pinoy.

Pero hindi. At hinding hindi! Dahil unang una na, hindi buong Pilipinas ay may Divisoria na pwede nilang puntahan para bumili ng mga school supplies ng kanilang mga anak. At hindi po ito ang isyu na dapat ikatuwa ng mga magulang na hilahod sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.

Bagamat makakatulong ito kahit katiting, ang tunay na isyu po ay ang walang habas na pagtaas na tution fees ng maraming pribadong paaralan sa buong Pilipinas. Bukod pa dito ay ang kakulangan ng mga public school buildings, mga teachers at mga textbooks at kung ano ano pang mga bagay bagay na kailangan ng mga kababayan nating di kayang magbagyad sa mga pribadong paaralan, na walang pakialam sa mga kabataan kundi sa perang papasok sa kanilang mga bulsa.

Ginang Gloria, yan po ang mga tunay na isyus at hindi ang presyo ng mga school supplies.

Habang pinagmamasdan ko ang dami ng mga taong kasama mo, sa palagay ko, yong ginastos mo sa pagpunta sa divisoria ay pwede ng pambili ng maraming krayola ng mga estudyante sa eskwelahan ni Jun Ducat, ang Musmos Daycare Center.

Sa mga Congressmen at mga Senador na walang ginagawa, ginawa at walang balak gumawa sa Kongreso at Senado maliban sa pag-upo, magpa-cute at mag-absent, pwede bang ibalik na lang ninyo ang perang ibubulsa ninyo para ipagpatayo ng bagong school buildings o ipambili ng mga textbooks o ibigay na bonus ng mga kawawa nating mga teachers.

Kahit ilagay ninyo sa lahat ng poste o dingding ng paaralan ang inyong mga pangalan o mukha at ipangalandakan ninyo na kayo ang may pagawa nito, kahit masama ang loob ko dahil sa kakapalan ng mga mukha ninyo, na kahit alam ko na ang perang ginamit ay mula sa binayaran naming buwis, masaya na rin ako. At least, nakatulong kayo sa taongbayan kahit pera ito ng taong bayan.

Sana kahit nakakasuka, gayahin ninyo si Manny Villar na gumastos para sa Daang-Hari Road from Molino to Alabang Town Center. Nakakasuka dahil nakabarandal pa hangga ngayon ang kanyang mukha sa bungad ng kalsadang ito. Nakakasuka dahil ang tunay at may mas malaking pakinabang sa kalsadang ito ay sya rin at ang kanyang company dahil imbes na sya ang gumawa ng private roads ng mga subdivisions nya sa lugar na ito, pera ng bayan ang kanyang ginamit.

Sa hindi po nakaalam, subukan po ninyong dumaan dito. Maganda ang kalsada at magaganda din po ang mga mamahaling property developments ng company ni Manny Villar. I am sure alam ninyo kung ano ang nagagawa ng magandang access road sa properties ni Manny Villar sa lugar na ito. (BTW, ang alam ko sa haba ng kalsadang ito, company nya ang may ari at nag-aari ng lahat ng mga real estates dito.)

O di ba, merong pakinabang ang mga tao sa pera nila kahit papaano. Yan si Manny Villar. Merong malasakit sa bayan (kuno!) at may business sense. Grr.

Bago ko tapusin ito, alam ba ninyo kung magkano ang 2007 Budget ng Kongreso at Senado? PHP13.56 billion na kasama sa PHP1.1 Trillion 2007 Philippine National Budget. At alam din ba ninyo na ang halaga ng isang batas natin ay nakakagimbal na PHP148.94 million.

Hindi kayo naniniwala? Hala I click mo ITO at ITO.

Panghuli, doon sa mga bumoto kay Honasan at Trillanes, naisip kaya ninyo kung papaano sila gagawa ng batas at magtatrabaho sa senado gayong meron silang mga kaso at nakakulong. Hindi kaya isang pagakakamali ito sa inyong part dahil sigurado ako, maraming oras nila ang mauubos para ipagtanggol ang mga sarili nila sa mga kinakaharap nilang mga kaso habang binababayaran natin sila ng kanilang sweldo, milyon milyong allowances at dalawang daang milyong pork barrel kada taon.

Pag basehan na lang natin ang performances (kung meron nga) ng mag-inang Estrada, si Revilla, si Lapid at si Madrigal at iba pa. Di na nga sila nakakulong at humaharap sa mga kaso, wala ring nagawang batas para sa ikakabuti ng mga Pinoy. Papaano na kaya itong dalawang ito?

Hindi ako against sa mga desisyon ninyo pero for practical reasons, hindi ba nararapat na masulit natin ang perang ibabayad sa kanila. Kung employer ka, papayag ka bang ang mga empleyado mo ay walang ginagawa para sa ikakabuti ng iyong kumpanya? Sa palagay ko, sisibakin mo agad ang ganitong klaseng empleyado. At yan ang problema, kung papaano mo sisibakin ang mga walang silbing public servants (kuno).

Ano sa palagay mo Kuya, Ate?

Related Posts:

15 Responses to “About Gloria, politicians and us”


  1. 1 annamanila June 2, 2007 at 1:44 pm

    Sa palagay ko galit ka.

    Pero may karapatang magalit.

    Pero ako … hindi ko na pinagkakaabalahang magalit dahiol ako ay wala nang pakiramdam. Numb … ano nga numb sa Pilipino? Manhid na.

    Bumoto ako ,,, napilitan lang. May konti pang butil ng pagasa, Pero wala akong inaasahan. No expectation, no disappointment.

    So whatever it is na magagawa ko in my little corner or sphere … i will just try to do it. Pay taxes, buy pinoy, buy from the micro and small businessman, raise my children to be good honest law abiding citizens .. Ano pa ba .. myepinoy?

  2. 2 myepinoy June 3, 2007 at 1:05 pm

    annamanila: Hindi naman. Inis na inis lang. ha ha ha.
    Ano pa ba? The Filipino should demand not by words but by action lahat that is due to them from these so-called public servants. After-all, pera natin ang ginagamit nila at hindi sa kanila.

    Ito sa palagay ko ang dahilan (okay na lang attitude ng karamihan) kung bakit nasanay ang mga pulitiko at opisyal ng gobyerno na ang akala ay sila ang mga amo at ang mga tao ang tagasunod lamang.

    Hindi kita masisisi sa iyong pananaw pero alam ko, ginawa mo ang dapat mong gawin, dahil kung wala ka ginawa na paulit ulit before, sigurado di ka makakaramdam ng pagkamanhid ngayon.

    Pag minsan nagtataka nga ako sa behaviour ng tao. Mahilig tayong tumawad o kapag minsan nakikipag-away sa konting halaga, pero wala tayong pakiaalam sa bilyong halaga na inaagaw sa atin ng mga taong ito.

  3. 3 SexyMom June 3, 2007 at 3:03 pm

    inis na inis ka lang pala, hindi ka galit. ano pa kaya ung galit ka na? hindi ko ma-imagine! anyway, madaming mga Pilipino na kaparehi mong inis na inis at gigil na gigil. pero saan naman kaya napupunta ang galit at gigil nila?

    at least ikaw, ako, at si Annamanila, ginagawa ang nararapat, begin with the family, ika nga. at least in rearing our children to be good citiziens and good children of God, who knows they will be among the seeds who will shape tomorrow.

    i, too, have stopped getting angry or making gigil. nakakapagod na, e. i don’t even read the newspapers now. i don’t have expectations, so that in case an good comes up, they are all , for me, BONUSES,

  4. 4 myepinoy June 3, 2007 at 3:38 pm

    SexyMom: OO, Inis na inis pa lang kasi pag nagalit ako, tahimik na lang ako. So dapat di ako magalit para may masabi pa ako. ang labo ano? ha ha ha

    In your case, mas malaki ang contribution mo sa ating society kasi ang dami ng kids mo. What more if they all become leaders.

    Naiinis kasi ako dahil Bilyong piso ang nasasayang na dapat ay pinakikinabangan ng maraming mahihirap nating kababayan. Kung itra-translate mo ang almost PHP149.0 million in terms of classrooms, marami rami na rin ang magagawa nito.

    Like one time napanood ko ang Pinoy BIG Brother na nag raise ng funds para sa magtayo ng classrooms ng isang school somewhere sa ILOILO at ang amount lang ay PHP300T. Isipin mo kung ang lahat ng pork barrel ng congressmen at senators ay ipapagawa ng classrooms, gaano karaming PHP300T worth of classrooms ito?

    Tama ka, di dapat magalit pero dapat matuto lahat ng Pinoy na mag assert o mag demand ng nararapat na kapalit sa bawat sentimo na buwis na ibinayad sa lahat ng public servants.

  5. 5 Major Tom June 4, 2007 at 12:34 pm

    Ganda ng observation my bro; paano nga naman sila makakkgawa ng batas at pakiramdaman ang nais ng masa kung sila ay nakakulongt—sina Honasan at Trillanes.

    Ngayon na wala na ang tuition feee limit ceiling, mas lalo ng nakakabigat ang gastusin sa edukasyon ng mga kabataan gayung ito pa naman ang labis na kailangan ng ating bayan—ang capacitating process of education and training.

  6. 6 myepinoy June 4, 2007 at 2:18 pm

    Major Tom: Ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation 3 out of 10 Grade 1 student won’t finish elementary. 2.4 million children may have dropped out (SY 2006-2007) due to worsening economic condition and millions of children have been denied of the right to decent education.
    The question, what have these people (congressmen and senators) been doing there in the Congress to address this problem?

  7. 7 bingskee June 4, 2007 at 4:07 pm

    the problem with gloria is she’s trying very hard to show na me nagagawa siya at ang kanyang administrasyon. she thinks that will all her english-speaking, the people will still believe that there is really change that’s happening. ang GDP ngayon ay walang kahihiyang ipinagmamalaki nya na maaari namang resulta lang ng halalan at di masu-sustain.

    she is very good in camouflaging the real issues. gaya na lang ng mga isyu ukol sa edukasyon. really pathetic effort to go to Divisoria at sabihin on air na walang pagtaas ng mga presyo. kakatuwa, ‘no?

    myepinoy: Sabi na mga analysts, 20 years pa ang kailangan para umayos at maramdaman ng mga mamamayan ang mga benepisyong ekomomiko. Yan ay kung mangyayari nga, kung titino ang political system natin at kung magiging matalino ang mga pinoy at igiit ang nararapat sa kanya.

    Dasal ko lang, sana mangyari na ito sa susunod na henerasyon mula sa mga anak natin.

  8. 8 Schumey June 4, 2007 at 7:00 pm

    Bro, I wrote an entry about this a few weeks back. I share your sentiments. The only difference, I have not gone numb but more active. Its not my future that I’m worried about, its the children’s. Tapos na tayo diyan, we must fight for our children’s future. I am doing my part as a parent but that is not enough. Simply paying my taxes is not enough as the administration steals it anyway. They keep getting richer while my countrymen are getting poorer.

    We as a people should be concerned collectively. Focusing on our own lives does not cut it anymore. Just imagine if just keep quiet and accept whatever they throw at us. We allowed Marcos to take away whatever little dignity we have, uulitin na naman ba natin yan?

    One can be content but can one must be concerned of his neighbors’ welfare as well. If more and more people become impoverished, would you grow? Hindi di ba? I admire your contribution as an OFW. BBC recently reported about the vicious cycle of labor migration. The OFWs in the ’70s worked to give their kids a future, now these kids are working abroad for their kids. We wouldn’t want our kids to do the same thing all over again.

    myepinoy: Saludo talaga ako sa yo. Naalala ko lang yong linya sa kanta ni Bob Marley – You can fool people once but you can not fool the people all the time. Pero sa case nating mga Pinoy, it seemed we are fooled all the time. Ilang taon na ba tayong ganito?

  9. 9 rhodora June 5, 2007 at 8:51 am

    Ipinipikit ko na lang ang aking mga mata at tinatakpan ang aking mga tenga. Ang objective ko na lang sa ngayon ay makatapos ng pag–aaral ang aming Junior at aming anak na babae. Pagkatapos nito, Adios, Pilipinas!

    myepinoy: ito na yata ang general sentiment ng karamihan ngayon kung hindi ako nagkakamali at kung babasehan ang milyong Pinoy na umaalis sa Pinas. Hay buhay Pinoy.

  10. 10 verns June 5, 2007 at 10:05 am

    ano yung sinasabi ni Trillanes kagabi? Babawasan nya daw bilang ng mga nasa Armed Forces na generals? sorry di ko masyado na grasp hehehe boring kasi eh…

    Anyway hayyy buhay..parang life. Bahala na talaga si batman!

    myepinoy: ha ha ha. alam ko ibig mong sabihin.

  11. 11 Lermz June 6, 2007 at 2:29 am

    Nakaka singkit at nakakapandilat talaga ng mata! Pero di ba kung iisipin mo hindi lang naman si gloria ang ganyan halos lahat naman ng pulitiko eh…. At pag ikaw ay na ospital dahil sa galit mo im sure ang makikita mo na naman eh ang kakulangan ng hospital facilities and services ng gov’t …basta kahit anong agencies pa ng gov’t may palpak.. nakakinis talaga kasi tayo gnagawa natin ang tungkulin natin bilang mamayan buwis payer tayo… Pero sila buwis..shit! But thats how it is eh! Kahit anong ingay ang gawin they dont listen they dont learn! Kita mong sa election wagi pa din kahit nakakulong kahit nanggulo! Cno kaya ang may diperensya…? Ang mga poiticians or ang mga voters? sino sa palagay mo?

    myepinoy: Kung alam mo ang kantang Sinong baliw, malalaman mo kung ano ang sagot ko. ha ha ha.

  12. 12 SexyMom June 6, 2007 at 9:19 am

    ang sarap sumagot, sige myepinOy, cool lang muna, mag-iisip tayo ng mabuting paraan. in the meantime, pwede kayang mag pray for miracles?

    myepinoy: I say Amen to that

  13. 13 asti21 July 30, 2007 at 5:19 pm

    FEELINGS
    Datu’s Tribe

    Gusto ko sanang kumanta ng kantang masaya
    Masigla, maligaya, makulay
    Ipakita ang diwa ng pagmamahalan
    Ngunit iba ang aking nararamdaman kasi

    May patayan sa kalye
    May naglolokohan sa palengke
    Mga batang sabog, mga pulis na tulog
    At sari-saring sangkatutak na pulubi

    Gusto ko sanang kumanta ng kanta ng pag-ibig
    Kasi sa puso ng Pilipino, talagang yan ang himig
    Gusto ko sanang kumanta ng kantang malambing
    Ngunit sa tuwing sisimulan ako’y naiiling sa

    Amoy ng tambak ng basura
    Sa kababuyan ng mga kongresista
    Mga taong may sakit, mga tiyang namimilipit
    Kumakalam walang lamang mga sikmura

    Hindi ko kayang kumanta
    Ng kanta na pang-crush at pang-syota
    Hindi ko kayang pagbigyan ang inyong hinihiling
    Mga kantang pampagaan ng inyong feelings

    Naiinggit ako kay Ariel
    Naiinggit ako kay Regine
    Kay Janno’t Roselle
    Kay Ogie, kay Dingdong
    Kay April Boy at kay Martin

    Naiinggit ako kay Ariel
    Naiinggit ako kay Regine
    Kay Sarah, kay Kyla
    Kay Paolo, kay Christian
    Kay April Boy, Pops and Martin


  1. 1 Honey, I am home. « myepinOy’s bLOG Trackback on June 6, 2007 at 12:43 pm
  2. 2 How’s your mom? « myepinOy’s bLOG Trackback on July 22, 2007 at 10:49 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: