Honey, I am home.

Kagabi, palabas sa TV, isa isa ng nagpapaalam ang mga senador na matatapos na ang term in the senate. Medyo nakakaaliw ang kanilang closing remarks (Estrada at Lim) na isinunod sa closing ng speech ni Ralph Recto na, “Honey I am home.

Siguro napanood din ninyo ito. At kung makulit kayo na katulad ko, mapapansin din ninyo ang part ng speech ni Loi Estrada (asawa ni Erap, ina ni Jinggoy) na sa tingin ko ay sincere at honest particularly ang part ng pag-amin nya na:

Ang problema sa akin ay hindi ako sanay sa debate, hindi ako comfortable sa interpolation, sa mahabang diskusyon at usapan sa senado….

Malinaw sa honest na pahayag ni Ginang Loi na she was not cut for the job of a senator at hindi ito ang bagay na career para sa kanya at sya ay napilitan lang.

Opps, dahan dahan lang, alam ko itatanong din ninyo kung bakit sya nag aspire maging senador kung hindi sya sanay sa mga ganitong bagay at bakit naman sya nahalan?

Nakakapagtaka pa ba ito?

Hindi na! Ito ang ISA SA MGA MASAKLAP na realidad sa Pinoy political life na ang isa o maraming tao ay nagiging Congressman at Senador hindi dahil sila ay qualified kundi dahil sila ay ganito (sikat) at sila ay ganon(anak ng tupa..). At dahil ganito kababaw ang basehan at hindi gaano napag-isipan kung sila ba ay fit sa respective na tungkuling gagampanan, wala gaanong pakinabang ang sambayanan sa perang ginastos habang sila ay nakapwesto.

In short PART ITO NG HUMAHABANG ENTRY SA BOOK NA TINATAWAG NA EXPENSIVE CHARGE TO EXPERIENCE. (buti na lang, nabawasan ng isa, si Pacman. lol)

Ang tanong ngayon, sino ang may pagkakamali? Si Loi Estrada ba o ang mga botante na nagluklok sa kanya?

Ayon kay Congressman Manhik Manaog (Leo Martinez) simple lang sagot. “Kung kami ay tanga, mas tanga ang bumoto sa amin.” Masakit pakinggan pero ito ang katotohanan.

Ang pag-amin ni Loi Estrada sa kanyang speech at ang pahayag ni Congressman Manhik Manaog ay maging silbing aral na sana sa karamihang botanteng Pinoy.

Malapit-lapit na ulit ang eleksyon sa pagkapangulo, sa pagka-senador at iba pang pwesto, sana matuto na tayong maging shrewd o mautak na employers, na pinag-aaralang mabuti ang record ng taong i-eemploy at ikinukumpara ang gagastusin nya sa benepisyong tatanggapin sa serbisyo ng mga taong ilalagay sa pwesto. Huwag na sana nating pairalin ang kaisipang ako ay maka-erap o ako ay maka-gloria dahil hindi po ito ang tamang basehan at isyu. Gamitin sana natin ng maayos ang ipinagkaloob na kapasidad na mag-isip bilang matalinong Pinoy. After-all, we are the ones who are suffering, not them, kasi enjoy na enjoy nila (government officials) lahat ng benepisyo na dapat ay tayo ang nakikinabang.

At kung sakali mang magkamali tayo, sana matutuo tayong mag-assert at mag-demand ng karampatang paglilingkod sa mga taong binayaran natin mula sa ating dugo at pawis.

Sana sa susunod na halalan, kung magkakaroon muli, maiba na ang statement ni Congressman Manhik Manaog.

At sana, dumating din ang araw na sasabihin nating mga Pinoy lalo na ang mga milyong tulad ko na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, “Pilipinas I am home. And I am home for good, FINALLY.

Related Posts:

4 Responses to “Honey, I am home.”


  1. 1 Shielababes June 7, 2007 at 7:21 am

    hi kabayan nice blog, san kapo nag aabbroad? ! napadaan lang,pabasa basa ng mga pinoy blogs🙂

    myepinoy: Salamat. KSA ako.

  2. 2 SexyMom June 7, 2007 at 10:56 am

    “Pilipinas I am home. And I am home for good, FINALLY.“

    sana hindi lang maging wishful thinking yan. pero mukhang malabo, papadami na nang papadami ang mga lumalabas sa bayan, feeling that there is no other way but out.

    myepinoy: I wish. Sabi nga ni Anna, maraming pinoy ang makikipagpatayan makapag abroad lang.

    Noong bakasyon ko, meron ako nakausap na isang matanda (mga 80 yo na yata sya) sa isang car workshop sa Banaue na kasabay ko nag papa-align ng gulong ng sasakyan ng anak ko, sabi sa akin, “Tanungin mo ako kung meron bang pagbabago ang pamumuhay ng mga Pinoy noon at ngayon.” Hindi na ako nagsalita, kasi kasunod noon ang mahabang litanya ng sad stories from bad to worst. Imagine 80 years old na sya, so, halos lahat ng klaseng karanasan bilang Pinoy ay dinanas na nya.

  3. 3 Major Tom June 7, 2007 at 6:51 pm

    I can’t believe Senator Loi said those words; it sounded like she out of spite for the voters who didn’t voted for her…Tutal, hindi naman sya marunong magsenador, so quits lang, ika nga…

    myepinoy: She said that on national TV. Anyhow, good for her, good for the country.

  4. 4 Patrice June 7, 2007 at 11:57 pm

    Hmm, medyo lumalabas ang pagka-aktibista mo ah. Hehe. Sad truth but something that happens not only in our country but in others as well. Root? What else, the root of all evil…pera. Sad to say na ito na ang nagpapaikot sa mundo, hindi na “Love”. Power comes from money and that is why they aspire to have power, to have the money as well.

    myepinoy: 99.5% Agree.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: