One expensive and stupid media blitz

Kahapon, nakatulog ako ng maaga at naiwanan ko ang aking TV na nakabukas. Siguro pagod ako o siguro boring ang palabas ng TFC. Pwede ring maganda dahil meron itong calming effect na nag induce para makatulog ako.

Sa kalagitnaan ng gabi, ako ay nagigising. At habang dahan dahan kong iminumulat ang mga singkit kong mata, napabaling ako sa palabas sa telebisyon.

Oras na pala ng Bandila at ang ipinakikitang news clip ay ang pagwasak ng labing-walong smuggled na sasakyan sa pag-gamit ng backhoe. Ito raw ay para sa walang kwentang anti-smuggling campaign ng Bureau of Customs.

Nakakatawa o nakakainis, matapos mawasak ang mga sasakyan at maipakita sa buong madla ang destruksyon, nagtalaga ng bantay ang Bureau of Customs with shoot to kill order sa mga taong gustong kahuyin o magnakaw ng ang mga skrap o pyesa na pwedeng gamitin at ipagbili.

Hindi ako eksperto sa batas ng customs o kung papapaano ito ipinatutupad sa mga kontrabandong bagay na nakumpiska ng ahensya, pero malinaw sa kin na sinayang lang ang mga ito. Para saan? Para sa ano? Palabas na walang kapararakan.

Habang sa tuwing ang mga kababayan natin ay nag dedemand ng mga basic services na dapat na ibinibigay sa kanila, ang karaniwang sagot ng mga tao sa gobyerno ay SORRY, NO FUNDS AVAILABLE pero heto, kahit saan silipin o kahit sino man ang tumingin, malinaw na pera, sinayang lang. Tulad sa kanta ng mga bata, “lumipad lang ang lobo, kung pagkain sana ang binili ko, nabusog pa ako.

Pinipilit kung wag ng isipin ang rason sa pagwasak ng mga sasakyang ito pero umuukilkil sa aking maliit na utak na iisa lang ang gustong ipabatid ng Bureau of Customs, “WHO NEEDS THE MONEY ANYWAY.

Sa dulo ng balita, sinabi sa report na the government fell short of their announcement that it would also destroy 14 other luxury cars due to unresolved legal issues. Have they come to their senses or someone powerful tells them to stop?

Only God and they know the answer.

Bago matapos ang balita sa Bandila, unti-unti namang bumabalik ang aking antok. At habang bumibigat ang aking mga mata, sumagi sa isipan ko ang mga kababaihan na kababayan natin na ngayon ay nasa pagkalinga ng Bahay Kalinga na pinatatakbo at pinamamahalaan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) dito sa Riyadh.

Ang mga kababaihang ito ay mga distressed OFW’s, karamihan ay kasambahay na tumakas sa mga malulupit, abusado at mahigit pa sa hayop na amo dahil sa maltreatment, sexual abuse or non-payment of wages. Sila rin ang isa sa mga segments ng mga OFW’s na gumagamit ng AXE at Charlie cologne at mag-aamoy air freshener ka daw pag gising mo kung katabi mo ang mga ito sa eroplano, na tinukoy sa lathalang “From Boracay to Greece” ni Malu Fernandez, ang hayop sa lakas ng bilib sa sariling matabang babae, isang irresponsible at mapanlait na kolumnista ng Manila Standard Today at People Asia Magazine at may paniwala na ang panlalait nya sa mga OFW’s ay “acerbic wit“.

Sa kasamaang palad ang acerbic wit na ito ay kinonsente ng editors ng Manila Standard Today at People Asia Magazine.

Sa kasalukuyan, mga 106 ang bilang nila na nagdurusa at naghihintay kung kailan darating o umaasa na lang na darating nga ang kanilang repatriation tickets mula sa OWWA. Habang walang kasiguruhan ang mga tickets na ito, patuloy silang magdurusa kasabay ng kani-kanilang mga asawa, anak, kapatid, magulang at mga kamag-anak na nasa Pilipinas.

Kung hindi lang sana gago ang mga taong nag-utos sa pagsira ng mga smuggled na sasakyan at bagkus ibenenta na lang ang mga ito at ipinambili ng repatriation tickets, maraming distressed OFW’s ang makakauwi na at makakasama na ang kanilang pamilyang nawalay sa kanila ng matagal.

Hay gulay, madaling araw na naman! Habang hinahatak na ko ng aking antok at hinahatak ko naman ang aking kumot, naisip ko bakit kaya malupit ang mundo sa ibang tao? Bakit kaya may mga gagong opisyal ng gobyeno, may mga taong katulad ni Malu Fernandez at may mga lathalaing tulad ng Manila Standard Today at People Asia magazine na hinahayaang maglabas ng mapang-lait na panulat?

Sino kaya ang may kasalanan o sino ba ang dapat sisihin? Meron ba o wala?

Pero kahit ganito kadilim ang aking pag-iisip, Masaya na rin ako dahil marami sa ating mga kababayang blagista ang hindi pinalagpas ang kalokohan ni Malu fernandez. Masaya rin ako, dahil kahit sa maliit na paraan, marami pa ring OFW’s ang marunong magmahal sa kapwa at walang sawang tumutulong sa mga kapos palad nating kababayan.

Dahil dito, meron pa ring ngiti sa aking mukha. Dahil kahit ano man ang mangyari, alam ko masarap maging PINOY. Ito ang dala ko sa aking pagtulog kagabi.

8 Responses to “One expensive and stupid media blitz”


  1. 1 Lani August 20, 2007 at 2:56 pm

    Ewan ko nga ba kung bakit maraming bagay din akong di maintindihan sa bansang ito, ito kaya’y dahil sa mahirap lang akong umintindi o talaga lang mahirap intindihin at sikmurain ang ginagawa ng iba sa bansang ito?

    Dapat talaga sa mga manglalait na tulad ni Malu ay ilitson, bakit baboy ba siya? Ewan ko di ko alam, hehehe.

    Musta na, long time no blog at bloghopping ako kasi itong aking pc may problem. Sumasakit na ang ulo ko kung saan talaga ang sira. Tatlo na ang tumingin di pa rin makita, hay naku.

    myepinoy says, Lani musta na? Bakit marami kang di maintindihan sa bansa natin. Hindi sa di hirap kang umintindi kundi dahil ayaw talaga nilang ipaintindi. Imagine, kung lahat tayo naiintindihan ang ginagawa nila, eh di na sila makakagaw ng gusto nilang gawing di maganda.

    Tungkol sa pc mo, baka meron CORRUPT sa loob. ha ha ha.

  2. 2 annamanila August 20, 2007 at 4:24 pm

    Hindi ko pa nabasa si Malu Fernandez kaya hindi ako ako makabigay ng matinong opinyon. Maaring pag binasa ko ang iyong nakaraang artikulo, lumiwanag ng konti ang aking kaalaman.

    Ano kaya ang dahilan ng mg autoridad upang baklasin ang mga kotse at di na lang ipagbili at ang mapagbentahan ay gamitin sa magandang proyekto.

    Pero , myE, sa lagay ng gobyerono ngayon, ultimo pagbebenta upang maging rebenyu… maaring magkaroon pa ng kabulukan at managana ang di dapat managana. Kaya siguro sinira iniscrap na lang.

    Ano na nga ba ang bago. What else is new?

    myepinoy says, ha ha ha, that is possible – “maaring magkaroon pa ng kabulukan at managana ang di dapat managana.” Kaya dapat, lahat talaga ng Pinoy ay maging wise. Sa susunod na election, dapat mag-isip na mabuti at ilagay lang ang dapat at bantayan ang mga ginagawa ng mga inihalal.

  3. 3 racky August 20, 2007 at 9:46 pm

    parang naririnig ko na ang litanya ng iba na kung di nyo ako babayaran, wala kayong pakikinabangan? 😉 isa lang naman ang tamang tanong sa lahat di bah, MAGKANO??? weather-weather lang yan, kung sino nakaupo eh heheheh!

    at si Malu nga pala, sabi mo sayang ang bakya ni neneng
    anong bagay ang walang kwenta na pedeng ihagis sa kanya
    nang bumaba naman sa lupa ang ale? lahat may halaga, pero
    di ko panghihinayangang ipukpuk ang Manolo Blanck kong
    shoes (o sosi na tayo hahahah) para magising ang ilusyunada!!!😛

    myepinoy says, sana ang weather nila ay laging may mga hurricane or tornado para blown away na rin sila. Kidlat na lang kaya, ano sa palagay mo?

  4. 4 melai August 21, 2007 at 7:58 am

    me needs the money……

    naks naman ang ganda na masyado ng blog mo ha

    myepinoy says, me too. musta na ba?

  5. 5 Major Tom August 22, 2007 at 2:58 am

    It is just for show I assure you. For every car they burn and destroy, there’d be many that they make money out of, straight into their own pockets.

    myepinoy says, that is the general perception. I just wonder if this is really the law, destroy the confiscated goods. If not this is one expensive road show without any benefit at all.

  6. 6 tynz August 22, 2007 at 3:36 am

    Hay naku! Ganyan talaga ang buhay or should I say ang gobyerno? hehehe… they just waste money para magpakitang gilas pero sa totoo they make a lot of money in smuggled goods. Pa as if lng yon para di pagdudahan.

    Malu who? Oh! DO I know that woman? Ahmmm… let me think first. Sorry but I don’t know anyone who’s that ilusyonada. If I know, she’s one of those person na nilalait nya. Pokpok mo nga sa batok para matauhan naman. Hmp!

    myepinoy says, the report says, the estimated value of the cars destroyed amounts to USD$700 thousand.

  7. 7 lerms August 25, 2007 at 3:25 am

    Hmmm… isang malalim na buntunghinihga lang ang pwede kong maibigay sabay tsk tsk tsk…. …. kainis talaga sila!

    Well ganun yata tayo pag magaling , magaling talaga pag palpak ,palpak talaga!

    Sabagay wala naman perfect kung sa tingin nila matitigil ang smuggling sa way nila then baka nga… pero alam naman nating lahat ang tamang sagot… but thats their prerogative …sila yung nasa position and thats what they think best… bow na lang muna tayo.

    Are we worth dying for? May mga changes naman di ba? hindi nga lang pare pareho sa lahat. Para sa iba napabuti sa iba naman napa sama sa iba naman dedma lang…..

    In short life goes on… whether somebody will die for us or insult us… at the end of the day its how we live our life that matters… good or bad…. pinoy p din tayo! that we cant change kahit mag iba pa tayo ng citizenship…its in the blood ika nga!

    myepinoy says, Agree, life goes on parang kanta ng U2, “with or without you” ha ha ha.

  8. 8 melai August 27, 2007 at 1:57 am

    medyo mabuti naman
    e musta na rin po ba?

    myepinoy says, oka naman ako.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: