Makoy: My father’s pet dog

TutaKagabi, biglang sumagi sa alaala ko ang alagang aso ng tatay ko noong kami ay mga bata pa. Ang pangalan nya ay Makoy.

Ito ang napiling pangalan ng aking ama sa alaga nyang aso dahil kumukulo ang dugo ng tatay ko sa dating diktador na si Marcos.

Ang sabi nya sa amin, “Makoy ang pangalan nya kasi sa asong ito, magagawa ko ang gusto kong gawin. Pwede ko syang pasunurin, paupuin, at higit sa lahat, nasa kamay ko ang kanyang buhay. At least kahit sa ganitong pamamaraan, masasabi ko na kahit may kamay na bakal at meron pang martial law si Makoy, ako ang may kapangyarihan sa kanya kahit na simbolismo lamang ang lahat ng ito.”

Nakakatawa ano? Kasi mahirap isipin kung bakit yong taong kinakainisan ng tatay ko, sya pa ang ginawang pangalan sa alaga nya.  Iba rin ang tatay ko ano?

Si Makoy ay malaking aso, kulay itim, may konting bahid ng kulay na puti sa may kaliwang pisngi. Malakas at matapang si makoy. Di tulad ng karamihang mga alagang aso, meron syang attitude problem, suplado at di sya malambing maliban sa tatay ko. Malakas syang tumahol pero madalang lang ito, pang warning lang sa mga ibang tao. Ugali na ni Makoy na kapag ikaw ay bago sa aming bakuran, sigurado masisindak ka kasi matalas ang kanyang tingin kasabay ng isang mabangis at malakas na tahol. Hanggat di ka pinapapasok ng isa man sa aming pamilya, hindi ka pwede humakbang papasok kasi nakaabang si Makoy habang umuungol at handa kang sugurin kapag kumilos ka. Ipinararamdam nya sa sinuman na gustong pumasok sa aming bakurann na, “one false move, you are…” At sigurado, lalapain ka ni Makoy kapag ikaw ay nagkamali.

Maasahan talaga si Makoy lalo na sa pagbabantay sa gabi, alerto sya at tila di sya natutulog. Nililibot nya ang aming bakuran at walang pwedeng pumasok, tao ka man, pusa o daga.

Dahil dito, talagang napamahal ng husto si Makoy sa amin lalong lalo na sa tatay ko. At bilang ganti, ipinagawa sya ng tatay ko ng special na dog house. At pati pagkain nya ay special din.

Sa mahabang panahon, nakasanayan na ni Makoy ang special treatment at special na pagkain kaya hindi sya basta basta kumakain kung hindi ang tatay ko ang napapakain sa kanya ng special food.

Sa special treatment na ibinibigay ng aking ama sa kanya, special din ang ibinabalik niyang loyalty at paglalambing sa aking tatay. Si Makoy at ang tatay ko ay nagkaroon ng special bond, ika nga. At kahit kahalubilo namin si Makoy sa sa araw araw, di mo siya matitinag sa kanyang lugar, parang tamad na tamad kumilos pero, sa oras na alam (marunong yata bumasa ng orasan) nyang parating na ang aking ama, bigla syang sumisigla at nag-aabang na sa aming gate para salubungin ang aking ama. Marinig lang nya ang ugong ng parating na sasakyan ng aking ama, tumatahol-tahol na ito kasabay ang pagkawag ng maikli nyang buntot. At pag bukas ng gate, tatakbo agad si Makoy palabas, sasakay sa saksakyan at ipaparamdam nya ang kanyang paglalambing. Hindi sya hihiwalay sa aking ama hanggang sa loob ng bahay.

Sa umaga naman bago umalis ang aking ama, inihahatid nya ito ng apat na tahol na iniisip ko noon ay “Good Luck, good bye, ingat bosing at ako bahala dito“. Ganito lagi, araw araw ang ginagawa ni Makoy.

Dumating ang panahon na kailangan ng taytay ko na hindi umuwi ng araw araw. Naging linguhan ang uwi nya at tuwing byernes ng hapon lang dahil sa kanyang negosyo.

Minsan, naubos ang special food supplies ni makoy dahil nakalimutan ng tatay ko na bilihan sya pagkain na pang isang lingo. Dahil, di sanay si makoy sa ibang pagkain at ayaw nyang iba ang nagpapakain sa kanya, di sya kumain ng isang araw at tubig lang ang kanyang iniinom.

Ang ganitong mga pagkakataon ay naging malimit dahil sobra talagang busy ang tatay ko kaya napansin namin na unti-unti, nagbago na ng ugali si makoy. Di na sya gaano pihikan. Natuto na syang kumain ng pagkain na ibinibigay namin sa kanya. Unti unti rin ay nawala na ang kanyang pagkasuplado. Kung dati ay sa aming ama lang sya magiliw, ngayon, ginagawa na rin nya ito sa nanay ko, sa aming magkakapatid at sa aming kasambahay. Marunong na rin syang makipaglaro sa amin. Ang solid loyalty nya sa aming ama, ngayon ay extended na sa buong pamilya.

Ang maganda kay Makoy, kahit suplado sya noong una, hindi sya pumapalya sa pagbabantay at pagprotekta sa amin araw man o gabi, gutom man o hindi.

Ang pagbabalik tanaw na ito tungkol sa alagang aso ng aking tatay, si Makoy, ay nagpapatunay lang na ang dog ay talagang “man’s best friend”.

Di tulad ng mga ibang dog na tao sa ating lipunan na walang loyalty, mga sakim sa pera at kapangyarihan. Mas mabagsik sila kay Makoy, wala silang kinikilala kundi ang sarili nila. Wala silang kinatatakutan kundi ang sila ay mawalan ng poder at pera. Wala silang binabantayan kundi ang pagkakataong makapanloko at makapagsamatala sa taong bayan lalo na mga mahihirap at mangmang. Wala silang puso at kaluluwa. They have big appetite. They eat even the hands that feed them.

OO, dog na tao. Di sila talaga dog, tao sila pero TUTA ang tawag sa kanila. Ang dami nila sa ating lipunan. Special ang pagkain, may special treatment at makikita mo sila sa kongreso, sa senado, sa malakanyang at sa opisina ng gobyerno, sa labas at loob ng kampo ng pulis at militar, at mga negosyo. Isama mo pa ang mga ilan na nasa naglalakihang simbahan at lugar ng sambahan.

Kaya sa ating lahat, dapat maging mapanuri tayo sa ating tatangkilikin, aalagaan at pagkakatiwalaang dog na tao dahil hindi sila man’s best friend.

Related post: Dogs are smarter and wiser than human beings

6 Responses to “Makoy: My father’s pet dog”


  1. 1 manilenya November 16, 2007 at 3:56 am

    bakit mo naman bigla naalala si Makoy?
    habang nagbabasa ko iniisip ko itsura mo nung nandyan pa si Makoy e lol! saka para kong nagbabsa ng textbook sa Pilipino, yung mga me kwento ni Gng. Genoveva Edrosa Matute..wow hindi ako sigurado sa Edroza nung ginoogle ko tama ako galing ko ha lol!

  2. 2 rhodora November 16, 2007 at 1:50 pm

    Ang ganda namang kuwento ito, natuwa ako.

    Di lang mga tuta ang mga tinutukoy mo, Myepinoy. Mga buwaya pa, kamo.🙂

  3. 3 annamanila November 20, 2007 at 6:34 am

    Kumusta na si macoy. Buhay pa ba? Sana mabuti pa ang kalagayan nya.

    Tunay nga … mas masarap magmahal at mas mapagkakatiwalaan ang mga Macoy na tumatahol kaysa mga Macoy na magaling lang mambola.

    Ang ganda ng posteng ito (post .. hahaha). It is a good story, definitely, with flashes of insight and good humor and irony!! Bravo!

  4. 4 homebodyhubby November 21, 2007 at 7:17 pm

    astig! korek ka dyan sa huling tinuran mo.
    napadaan lang p’re. nakita ko ang post na ito sa tag surfer ko under “pets” and “politicians”. pareho lang yun, di ba? 😆

  5. 5 dadz February 22, 2008 at 9:50 am

    nice story!!! Nakakaantig ng puso. nakakarel8 ako kc may aso din ako na katulad ni makoy (malambing masyado) kaso lamang gurl xa. her name’s marsha.


  1. 1 Learning from dog « myepinOy’s bLOG Trackback on July 3, 2008 at 1:56 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: