Hello Liza Masa, please wake up!

Ako ay nayayamot kay Liza Masa, party-list representative mula sa Gabriela. Napanood ko sya sa balita noong nakaraang gabi, isang araw makalipas bombahin ang Philippine House of Representative. Sa kanyang pahayag sa isang reporter ng ABS-CBN Channel 2, meron syang mga insinuations na pilit nyang inuugnay ang House of Congress bombing sa mga taong nasa poder, kesyo yon daw ang gabi na pag dedesisyunan ang Pulido impeachment complaint laban kay arroyo kaya ito daw ay paraan para takutin ang mga Tongressmen, para daw ilihis ang atensyon ng samabayanan at kung ano ano pang ek ek na walang kwenta.

Por dyes por singko naman Liza Masa, anong klaseng mga pananalita at pag-iisip yan? Alam na alam mo naman na bago pa ang okasyon na ito, nag walk out na kayong mga tinatawag na oposisyon at inabandona na ninyo ang inyong responsibilidad isang araw bago maganap ang bombahan. At saka, siguro naman may isip ka at matalino ka rin at alam mo na sa walang kwentang kongreso na kinabibilangan mo, lahat ay numbers game lamang. At kayo, ay walang bilang. In short, kahit na ano pa ang gawin nyo, there is no way that the Pulido impeachment complaint against Gloria will prosper, may bomba man o wala.

Common sense tells us that Gloria has plenty of Tuta in the Tongress and Gloria is dead sure that the Pulido impeachment complaint is weak and already dead before it even reached the house of Tongress. As matter of fact, weeks before, Gloria and her cohorts made extra sure that Tongressmen will trash the complaint by inviting these Tongresmen for a gift giving event inside the Malacanang compound.

And on 14 November 2007, the expected result was announced; the Pulido impeachment complaint lacked substance and form, the confirmation of its second and final death.

So, ano ngayon ang basehan at silbi ng insinuations mo na isa ito sa pamamaran para matakot kayo at ilihis ang atensyon? Eh sigurado naman si Gloria na makaka-isang taon na naman sya sa pinagkakadikitan ng pwet nya sa Malakanyang? Gago ba sya na bulabugin pa ang isang tungalian na siguradong-sigurado sya na sya ang panalo?

Kahit sinong tao, may pinag-aralan man o wala, maliban sa uri mo at pag iisip mo Liza Masa, ay di na kailangang mag-isip o gumawa ng kaguluhan kung alam nyang panalo na sya bago pa man ang labanan.

Only desperate persons who needed some time to delay or thwart the imminent or impending defeat do desperate acts.

Common sense lang po! Wag lang puro pa picture sa TV tulad ng mga tradpol. Naturingan ka pa namang progresibong babaing pulitiko eh bulok din pala ang kalikaw ng mga ugat sa utak mo.

Please lang, we are not all stupid not to understand what is going on. We can see things beyond the things you see and think.

Wag mo kaming igaya sa mga kasamahan mo dyan sa tongreso. Wala ng saysay ang natutunan mong stratehiya at istilo ng propaganda na lagi na lang ginagamit ng mga makakanan at makakaliwang grupo at mga bulok na pulitiko at media. Ang mga Pinoy na mulat ay di na nakikinig sa ganitong ka-ek ekan.

Sa totoo lang, hindi ka nakakatulong sa balisang mamayan at lugmok na bayan natin. Nakakadag ka pa sa kaguluhan. Mas mabuti pa, damayan mo ang mga pamilya ng mga inosenteng nadamay sa mga katarantaduhang ito.

Inis ako kay Gloria at gusto ko ng mawala sya sa palasyo, kay Erap, sa mga pulitikong pulpol, sa official na mandurugas, sa mga mararahas na pulis at militar, sa mga negosyanteng swapang, sa mga Pinoy na walang pakialam sa kapwa at bayan at ganon din sa mga taong tulad mo na imbis makatulong ay lalo lang pinagugulo ang sitwasyon at isipan ng sambayanan.

Liza Maza, kailangan pa bang i memorize yan? Gumising ka na at magpakatotoo ka!

Pahabol: Siguro bulok din ang pag-iisip ko kasi bakit ba binibigyan pa kita ng pansin.

Related Post: Jun Ducat, Cayetano, Coseteng and Ermita

2 Responses to “Hello Liza Masa, please wake up!”


  1. 1 annamanila November 20, 2007 at 6:26 am

    Tuwing may ganyang pangyayari, si GMA (or sinoman ang presidenta o prsidenta) and isa sa mga unang naiisip. Tawag yata dyan reflex or gut reaction.

    Pero ako, naisip ko man si GMA … madali ko itong pinalis. Hindi naman siguro. Hindi nya kaya yun, pwede syang mandaya sa halalan, pwedeng mamulitika, mamudmod ng pera. Nguni’t hindi sya ganun kahalang ang kaluluwa.

    Sa tinuran mo ngayon, myepinoy lalong tuimiim ang paninging ko na hindi, hindi talaga si GMA.

    (ngyeek .. hirap!)

  2. 2 myepinoy November 20, 2007 at 7:17 pm

    annamanila,

    hindi ko isinasantabi ang mga possibilities. lahat naman possible at di natin kilala ang mga pulitiko at di natin alam ang magagawa ng mga ito para manatili sa poder.

    Ang punto ko lang dito, kapag meron mga trahedyang ganito, wag ng sasakay pa at dadagdag sa kalituhan at kabalisahan ng mga mamamayan. imbis na magdadaldal ng mga walang kwentang bagay, dapat manahimik muna pansamatala dahil mas importante ang tumulong sa mga biktima.

    Ang pagsakay sa tragic situation para lang maisulong ang pampersonal na interest ay isa sa kasuka-sukang ugali ng isang bastos at walang pusong tao.

    My father once told me that the highest form of stupidity that a person may have is when that person talks non-sense and blames other while his house is burning. An intelligent person shuts his mouth, do something to help in putting out the fire if he can and if he can not, keeps himself away from fire so he will not be burned.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: