Just because I am …

You don’t need a weather man to know which way the wind blows. – Bob Dylan

Sabi ng tatay ko
Gwapo ako
Sabi ng nanay ko
Of course
Sabi ng asawa ko
Talaga!
Sabi ng mga nagging girlfriends ko
Yuck!
He is so
You know.
Sabi mo magaling ako
Sabi ko
Yan ang opinyon mo
Sabi nila
Sira ulo ko
Sabi ng marami
Sino ba sya?
Sabi ng mundo
Does he exist?
Pero alam nyo
Di nyo naman talaga ako kilala
Sino nga ba ako?
Tama ba tatay ko
Tama ba nanay ko
Tama ba asawa ko
Tama ba nagging girlfriends ko
Tama ba sabi nila
Tama ba sabi ng karamihan
Tama ba sabi ng mundo
Tama ba na di nyo ako kilala
Siguro nga

Sa huli
Sino nga ba ako?
Kahit ano ang sabihin nyo
Kung sino ako
Alam ko na yon
Noon pa
Matagal na
Dahil ako
Ay hindi
Superhero
Di rin pwede maging Darna
Kasi straight ako
Kung sino man ako
Ang alam ko
Ako ay tao
Sa puso
Sa isip
Sa salita
At sa gawa.

Meron lang ako tanong
Alam ba ninyo

Kung papaano maging homesick?

Ha, wait!

Isa pa,
Isa na lang
Huli na to,
Hayaan nyo na ako
Ikaw
Kumusta ka naman?

From my multiply account.

8 Responses to “Just because I am …”


  1. 1 lerms March 31, 2008 at 11:58 pm

    kamusta ka nama? ako ewan ko kasi hinds ko kilala sarili ko ayaw kong makilala kasi baka mag away pa kami… minsan mabuti pang hindi mo kilala sarili mo para exciting lagi ang buhay ko! ika nga .. expect the unexpected… minsan hindi mo alam that u are capable pala of doing something na akala mo hindi mo kya..

    Sa tanong mong paano ba ma homesick? ayan yung tula mo ang resulta ng pagka homesick mo… hindi mo alam kung kilala mo ba talaga sarili mo o hindi! … sarili mo lang kasi kausap mo kaya kayong dalawa lang nagbobolahan! hahahah!

    alam ko mahirap talaga ang situation mo pero at least hindi ka nagiisa kasi kasama mo sarili mo!🙂

    sa totoo lang sarili lang natin ang pwede nating asahan yung hinid tayo iiwan….

    babala: wag ka lang sisigaw ng IBALIK MO AKO SA PILIPINAS dahil baka lalo matuluyan ka….. na hindi makilala ang sarili mo.🙂

  2. 2 Gem April 1, 2008 at 3:40 am

    Hello myepinoy!

    Pinangiti mo ako! Amusing and I like the poem. Ikaw ba ang gumawa? I like it! Kung gwapo ka – NO COMMENT! Hehehe.

    Marami ang umaalis pa rin ng Pinas! Pero I find it interesting merong na-ho-homesick. Maraming pipol dito ang gusto makaalis at makalasap ng ginhawa sa ibang bansa. Mahirap magpakayaman dito as employee, except pag magaling ka sa business or getting self-employed.

  3. 3 Major Tom April 1, 2008 at 4:39 am

    Yan ang mahalaga sa lahat. Ang malaman ang tunay ng ating pagkatao. Magaling man o hindi, basto ako ay si ako.

    Nice wordplay here, amigo.

  4. 5 bw April 3, 2008 at 7:59 pm

    The poem is quite entertaining. I know you are just homesick bro🙂 No worries, take it easy and play more tennis and blog more. BTW I’m homesick with tennis too – since November pa itong craving ko hehe🙂

    Who am I ? You remind me of an APO joke when I watched them on their concert tour here in the early 90’s. Danny Javier introduced Boboy Garovillo to the audience and he said –

    ” this is the man whom President Corazon Aquino once said – WHO IS HE? ” hahaha🙂 corny ba.. subalit the message is totoo in some respect, at least for me hehe🙂

  5. 6 annamanila April 4, 2008 at 7:32 am

    Hi. Magandang tula … that is the upside of feeling down, ang lalim ng nahuhugot na damdamin. Pero di ba sanay ka na? Haaay …. mahirap nga ang sitwasyon mo. Pero lahat ng buhay, may kanya kanyang drama. Ito ang sa ‘yo. Pinili mo, bitbitin mo. Kaming nasa Pinas, dami ding hinaing. Di naman namin pinili – pero baka pinili din, kasi binoto ko si gloria. (and i wished for gma to cheat in the elections.)

    Where is this response going? Life is what we make it or what we think it is. I think, therefore it is.

    Hey, am okay. Busier than usual. And the writing well has run dry for now, I hope… kaya AWOL from blogging. But here am I blog visiting.

    Stay cool.

  6. 7 Sexy Mom April 9, 2008 at 11:01 pm

    papano maging homesick? you should know because you have been there, are there, and will be there (perhaps) for a while.

    ’twas your choice, ’tis your choice, and ’twill be your choice. Somehow you have learned to cope, are coping and will be coping–am sure you will be fine.

    as to your last question: Ikaw, Kumusta ka naman? So nice of you to ask. It means you are not just concerned about yourself. not just I, me, myself, there is still “you”, the other person.


  1. 1 There, assley is confused. « myepinOy’s bLOG Trackback on November 24, 2011 at 11:45 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: