Ang pag-ibig nga naman

Ang sabi ni Kulas:

Ang paghihirap at pagtitiis ay meron hangganan
Ang poot at galit ay umaabot din sa sukdulan
Katulad nang mga bagay sa mundong ibabaw
Sa kalaunan ay kumukupas at tuluyang nagwawakas
Pero iisa lang ang walang katapusan,
Ito ay ang pag-big o pagmamahal na tunay.

At bakit naman bigla ka na lang naging makata Kulas?

Wala lang, sa next month kasi enrollment na naman.

Kaya pare ko,  baka may ekstrang datung ka dyan,   sa halip na matalo ka sa merkado o kalakalan,  pagmamahal mo sa kaibigan na  nangangailangan  ay iparamdam,  dalawang libong doyares lamang,  ako ay pautangin mo naman.

AYOS, ang pagmamahal nga naman.

3 Responses to “Ang pag-ibig nga naman”


  1. 1 lerms August 11, 2009 at 11:11 pm

    Ay familiar ako dyan! hahahaha! kanina lang ganyan drama ng anak ko. Touched na ako naluluha na ako sa mga sinasabi nya tapos sa bandang dulo.. Ma may extra ka ba dyan? hahahaahaha!

    Iba talaga magmahal ang pinoy!🙂

  2. 2 bw August 14, 2009 at 11:26 pm

    galing ng tula mo bro. makata ka pala hehe🙂 Anyways, siguro naman you made some money buying the low stock price of some of theose TARPed banks🙂

    Lahat naman tumataas ang presyo kahit saan bahagi ng mundo subalit ang gobyerno ay dapat manghimasok ng husto sa mga public utility companies that are exploiting the public, tulad ng koriente, langis, tubig at telepono. Ibig sabihin lang, vigilant dapat ang gobyerno in fighting inflation. Pag tumaas ang ma ito, taasan lahat ng presyo. Sa Pinas naman, yung mga bwiset na big utility companies na maraming tuta sa gobyerno ay exempted yata kasi they can change anything they want. haay, buhay nga naman sa Pinas😦

  3. 3 bing August 21, 2009 at 12:36 pm

    bigla naman akong nalungkot kahit napakaganda ng tula!

    hayyy, malapit na naman ang enrollment..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: