Kwentado: Kwentong Wala Lang o Walang Kwenta

Ang sabi ni friend, ang assignment ko raw ay tungkol sa ‘The Pinoy’s Happiness Index” na nag sasaad ng ganito: Despite low development indeces, including per capita, income rates, Pinoys are happy. Why and How? Examples.

Pero dahil busy ako sa aking trabaho at sa nalalapit at walang tigil na certification examinations na ibinibigay ng Capital Market Authority dito, di ko alam kung papaano gagawin ang mga ito. Kung sabagay, medyo related ang iba sa mga topics na nabanggit sa nalalapit na exams ko katulad ng mga terms na per capita, income rates at development indeces, di ko pa rin magagawa ang mga ito.

Kaya naisipan ko na ibahagi na lang sa inyo ang mga bagay na nakita ko nitong mga nakaraang mga araw.

Unang una na ay ang mga munting bagay sa pananaw ng ibang lahi kumpara sa pananaw ng mga Pinoy, in general tulad ng public display of affection o kung ano man ang tawag dito sa Filipino.

Noong isang lingo, habang ako ako papunta sa isang kainang pinoy, nakakita ako ng dalawang taga-rito. Pareho silang lalake, matipuno ang pangangatawan. Pakiwari ko ay magkaibigan sila o magkamag-anak na matagal na di nagkita. At dahil doon, nagyakapan sila, at naghalikan ng maraming beses at makikita mo sa kanilang mga mukha ang kasabikan at katuwaan sa pagkikita. Noong bago ako sa lugar na ito, nabanggit ng boss ko, ito daw ay ang tinatawag na halik ni Hudas. Mainis kayo o matuwa, bahala na kayo. Hahahaha

At pagtapos nilang mag beso-beso, lumakad sila na magkahawak ang kamay na parang magsyota na namamasyal sa Luneta, papalayo sa aking paningin.

Pagkatapos kong kumain, habang ako ay papauwi na, napansin ko naman ang dalawang lalake na taga Indian sub-continent. Nagulat ako dahil marahil sa kagalakan, mahigpit na mahigpit ang kanilang yakapan at maririnig mo ang kanilang daing na parang mga pusang gala at nag iingay sa katahimikan ng gabi. Kung di nyo ma-imagine, subukan nyo mag-abang sa mga oras na alanganin at maiintindihan niyo kung ano ang ibig ko sabihin.

At habang papalapit ako sa dalawang tao na ito, di pa rin nila mapigilan ang kanilang emosyon, sige pa rin ang mahigpit na pagyakap at paghahalikan pati na ang daing na parang pusa. At take note, wala po sila sa isang building, nasa gitna sila ng kalsada.

At noong matapos na sila sa ganitong eksena, unti-unti silang lumakad, katulad ng dalawang nauna, magkahawak ang kamay na parang magsyota na namamasyal sa gilid ng Manila Bay, papalayo sa aking paningin.

Napaisip ako, kung ang mga pangyayaring ito ay naganap sa gitna ng kalye sa Pinas, at ganito ka passionate ang kanilang pagtatakbo, malamang sa hindi, iba na ang iniisip ng mga tao. Dito bale wala lang, sa atin, alam ko na alam na ninyo ang kanilang sasabihin at iisipin. Sabi nga ni Kulas, Kailangan pa bang isulat ko ang sagot.

Noong isang araw naman, pagkatapos ng aming sweldo, niyaya ako ng aking ka-opisina sa lugar na laging pinupuntahan ng mga Pinoy dito. Sabi nya sa akin, marami daw sya bibilihin na mga items kasi meron daw mga requests ang kanyang asawa at mga anak na ipapadala nya sa pauwing bayaw. Kakatawang isipin, ang ganitong gawain ay normal na sa buhay ng isang OFW. Marami sa mga pamilya sa Pinas, ang pakiramdam ko ay para lang nag o-online shopping lang thru Text Messages, E-mail or letter sa kanilang mga magulang, kapatid o kaibigan na na nasa abroad or OFW. Ang kaibahan lang, walang credit card na ginagamit sa pag order, kundi relationships lang. O di ba high-tech at cost-free online shopping. I guess this is one of the greatest inventions in commerce that Pinoys contributed to the world trade and commerce. Hahahaha.

Going back, while waiting for my friend to finish remitting money,  nakaupo ako sa lounge ng bank. Katabi ko ang dalawang Pinoy at nag uusap sila.

Sabi noong isa, Pare, papauwi ako bago magkatapusan ng March, Ga-graduate na ang bunso ko. Salamat naman sa Dyos, malapit na matapos ang obligasyon ko sa mga anak ko.

Sumagot ang kausap nya, buti pa ikaw pare patapos na ang mga anak mo, ako ito, matagal tagal pa rin. Yong panganay ko kasi ayaw yata matapos sa pag aaral. Napasarap, ayaw na magtrabaho, gusto na lang yata eh mag-aral habang buhay. Alam mo pare, swerti ka, napalaki mo nang maayos ang mga anak mo (tumatango ang kausap nya), ako, di ko alam kung saan ako nagkamali. Pag minsan gusto ko isipin na mali ang pag aabroad ko.

Noong matapos na ang aking ka-opisina, dumikit at di maalis sa isipan ko ang usapan na narining ko sa dalawang kabayan.

Sa isang punto, tama ang sinasabi noong isa na swerti ka pare dahil napalaki mo iyong ang iyong anak ng maayos. Pero tanong ko sa sarili ko, papaano mapapalaki ng isang ama ang kanyang mga anak ng maayos kung sa loob ng isang taon ay ilang araw lang naman sya nandoon sa Pilipinas. Di ba, ang pagpapalaki ay Gawain ng mga magulang, sa natural setting, ama at ina.

Naisip ko, parang di yata tama na akuin ng ama ang credit kasi di naman talaga sya literally na nagpapalaki sa mga bata kundi ang ina na naiiwanan sa Pinas. Sila ang mga taong gumagabay 24/7 at nagsisilbing ‘NaTay’ o Nanay na Tatay pa.

Kaya, kung naging maayos man o di matino ang kinalabasan ng mga buhay buhay ng mga anak ng OFW, malaking bahagi nito ay dapat iugnay sa mga Ina na naiiwanan sa Pinas.

Sa pananaw ko di, dapat sisihin ng OFW ang kanyang sarili at di rin dapat kunin ang credit sa mga Natay na pumupuno sa obligasyon ng isang ama na malayo at nangingibang bayan.

At sa malalim na pananaw, sabi nga ng paborito kung manunulat na si Khalil Gibran:

On Children by Kahlil Gibran

Your children are not your children.
They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.
They come through you but not from you,
And though they are with you yet they belong not to you.
You may give them your love but not your thoughts,
For they have their own thoughts.
You may house their bodies but not their souls,
For their souls dwell in the house of tomorrow,
which you cannot visit, not even in your dreams.
You may strive to be like them, but seek not to make them like you.
For life goes not backward nor tarries with yesterday.
You are the bows from which your children as living arrows are sent forth.
The archer sees the mark upon the path of the infinite,
and He bends you with His might
that His arrows may go swift and far.
Let your bending in the archer’s hand be for gladness;
For even as He loves the arrow that flies,
so He loves also the bow that is stable.

Ikaw kabayan, ano ang masasabi mo dito?

Paunawa: Luma na ang blog entry na tio ngayon lang nailabas dito. Salamat po

2 Responses to “Kwentado: Kwentong Wala Lang o Walang Kwenta”


  1. 1 ever April 6, 2010 at 12:36 pm

    pards, nakakarelate ako dito… maganda yung timpla ng istorya!

    wala lang pero pero may kwenta.;)

  2. 2 myepinoy July 1, 2010 at 10:02 am

    @ever salamat parekoy


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: