Archive for June, 2010

Remember Me Not

Bukas, 20 ng Hunyo 2010 ay Father’s Day, buong mundo ay magdiriwang para parangalan ang ang mga kabataan noon at mga mga Ama ngayon na pinagmumulan ng ating mga kabataan ngayon na pag-asa ng ating bayan. At ganon din, ang mga anak nila, pag dating ng araw ay magiging ama rin.

Ngayon po, 19 ng Hunyo 2010.

Marahil, marami o merong iilan sa atin ngayon, ay nakalimutan na ang araw na ito. Ito po ay araw ng aking kapanganakan. Hindi po naman ako nagdaramdam kung sakaling may mga nakalimot at di na alam ang araw na ito. Naiintindihan ko po ang kanilang mga sitwasyon. Lalo na sa ngayon, lubhang napakihirap na ng buhay at marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos, walang makain, walang hanapbuhay, walang tirahang maituturing na tunay na bahay, dumarami ang walang pinag aralan at higit sa lahat, katulad din noon, di nag iba ang kalakaran ng buhay. Marami pa rin ang mga api at pinagsasamantalahan ng mga naghaharing uri. Nag-iba nga lang ang kulay, anyo at lahi. Hindi na mga banyagang Kastila kundi kauring lahi na dahil sa kasakiman ay nagagawang alipustain ang ating Inang bayan at pagsamantahan ang mga mahihina nating mga kababayan.

Maraming taon na ang lumipas. Maraming bagay na ang nagbago. Maraming kaisipan sa mundo ang ating sinubukan, ginaya at ginawa, pero ganon pa rin ang ating katayuan. Di pa rin nakakaahon ang karamihan sa ating mga kababayan at ang ating inang bayan ay nagdarahop pa rin. Mas masahol pa sa lugmok, nakabaon na sa umalingasaw na putikan.

Continue reading ‘Remember Me Not’

Patience is indeed a virtue

Tapos na ang aking bakasyon. Kung baga sa isang kaaliw-aliw na laro sa computer: “GAME OVER!” Shucks!

Game Over!

Sa ngayon balik na ako sa aking trabaho. At sa linyang paulit-ulit na sinasabi ko halos taon-taon pagkaraan ng halos isang buwang balik-Pinas at balik-pamilya: ‘BACK TO REALITY.’ Argh!

At kung ako naman ay inyong tatanungin sa Ingles: ‘How was your vacation?’ — well, ang tugon ko ay mistulang litanya na rin na sa mahabang panahon ay sinasabi ko, taon-taon, paulit-ulit lang — ang walang kamatayang linyang ‘Oks na Oks!”

Pindutin para ipagpatuloy ang pagbabasa


Tweets

Categories