Remember Me Not

Bukas, 20 ng Hunyo 2010 ay Father’s Day, buong mundo ay magdiriwang para parangalan ang ang mga kabataan noon at mga mga Ama ngayon na pinagmumulan ng ating mga kabataan ngayon na pag-asa ng ating bayan. At ganon din, ang mga anak nila, pag dating ng araw ay magiging ama rin.

Ngayon po, 19 ng Hunyo 2010.

Marahil, marami o merong iilan sa atin ngayon, ay nakalimutan na ang araw na ito. Ito po ay araw ng aking kapanganakan. Hindi po naman ako nagdaramdam kung sakaling may mga nakalimot at di na alam ang araw na ito. Naiintindihan ko po ang kanilang mga sitwasyon. Lalo na sa ngayon, lubhang napakihirap na ng buhay at marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos, walang makain, walang hanapbuhay, walang tirahang maituturing na tunay na bahay, dumarami ang walang pinag aralan at higit sa lahat, katulad din noon, di nag iba ang kalakaran ng buhay. Marami pa rin ang mga api at pinagsasamantalahan ng mga naghaharing uri. Nag-iba nga lang ang kulay, anyo at lahi. Hindi na mga banyagang Kastila kundi kauring lahi na dahil sa kasakiman ay nagagawang alipustain ang ating Inang bayan at pagsamantahan ang mga mahihina nating mga kababayan.

Maraming taon na ang lumipas. Maraming bagay na ang nagbago. Maraming kaisipan sa mundo ang ating sinubukan, ginaya at ginawa, pero ganon pa rin ang ating katayuan. Di pa rin nakakaahon ang karamihan sa ating mga kababayan at ang ating inang bayan ay nagdarahop pa rin. Mas masahol pa sa lugmok, nakabaon na sa umalingasaw na putikan.

Marahil di na nga angkop ang mga ipinaglaban ko noon. Marahil di na siguro matutupad ang mga pangarap ko sa bansa natin. Marahil ang tula na ginawa ko noong mga ilang oras bago ako barilin ng mga sundalong Kastila ay nagkaroon lang ng literal na kahulugan. Talaga yatang Adios, Patria Adorada” (Farewell, Beloved Country) na.

Saan kaya tutungo ang ating bansa. Kailan kaya magkakaroon ng pantay na pantay na karapatan ang mga kababayan natin sa batas, sa buhay, sa oportunidad, sa edukasyon at sa maraming bagay.

Tulad din noon, wala pang nagbabago. Ganito tayo noon ganito pa rin tayo ngayon. Hindi man sabihin, pero marami pa rin ang turing sa atin ay alipin. Alipin sa ibang bansa, alipin pa sa sariling bayan, hindi ng mga banyagang kastila, kundi ng mga kauri natin. Buhay pa rin si Capitan Tiago, Fadre Damaso, ang mga prayle, ang mga kauri nilang mapang-api, ganid at sakim, mga batas na mapanikil at di pantay, sistemang di makatao at pabor lang sa iilan at mga buwis na mapanikil at nakakamatay. Iba na ang panahon, maraming taon na ang lumipas, pero ganon pa rin halos ang sitwasyon, iba man ang kulay at uri pero iisa ang ugali at kalupitan.

Hanggang Kailan kaya? Hanggang kailan kaya tatagal? Makakakayanan pa kaya?

Bago ako magtapos at bago ko makalimutan, PEPE nga po pala ang palayaw ko at Jose naman ang tunay kong pangalan.

Kaarawan ko ngayon. Hunyo 19, naalala mo pa ba? Ang Noli at Fili, tanda mo pa rin ba?

Mula sa aking tagalog blag petsa: 19 Hunyo 2006

3 Responses to “Remember Me Not”


  1. 1 bing July 4, 2010 at 4:31 pm

    akala ko ay totoong kaarawan mo na nakaligtaan ko!

    musta na, pepe, este, rolly?

  2. 2 ever July 6, 2010 at 10:59 am

    na wow mali ako dito ah.. ha ha ha..:)

  3. 3 Visit Website October 10, 2012 at 5:23 am

    Admiring the persistence you put into your website and detailed information you offer. It’s awesome to come across a blog every once in a while that isn’t the same unwanted rehashed material. Wonderful read! I’ve saved your site and I’m including your RSS feeds to my Google account.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: