Archive for January, 2012

PHL Supreme Court Chief Justice Renato Corona

How low can he go?

Di ko alam.  Ikaw alam mo ba?

Pansamantala, isasantabi ko muna na  sya ay midnight appointee ni Gloria. Di ko rin gaano pinag-uukulan ng pansin ang kanyang mga properties, pag pabor diumano kay Gloria Arroyo at marami pang iba. Sa ngayon ito ang gusto kong sabihin.

Ngayong tumatakbo na ang Impeachment trial ni CJ Corona, lalong lumilinaw ang ilan sa mga aspeto ng pagkatao ng Chief Justice.

Ang pagkaalam ko, si Justice Corona ay di isang pulitiko at tulad ng sinsasabi nya na dapat ang rule of law ang mangigibababaw. Tama lang di ba?

PERO, kaninang umaga, malinaw na sa akin na sya ay katulad na rin ng mga pulpol na pulitiko natin. Ang takbo ng kanyang pananalita ay lubhang taliwas sa kanyang position. Malamang, napanood at napakinggan din ninyo sya kanina. At ang mga sinabi nya ay madali lang intidihin, di na kailangang dumugo ang ilong at di na rin kailangan pang pag isipan pa.

From ABS-CBN News

He cited 3 who allegedly want him removed from office because of their supposed hidden agendas.

He said the first person wanted to stop the distribution of the Hacienda Luisita to landless farmers in Tarlac. He earlier accused Malacanang, especially the President’s allies at the Liberal Party, of planning his ouster from office after the Supreme Court decided to distribute to the farmers the sugar estate in Tarlac.

He said he is also a roadblock to a person “who really wants to be vice-president but lost in the election in 2010.” He did not name the LP’s vice-presidential bet, Mar Roxas, who lost in 2010 to Jejomar Binay.

Finally, he said he is opposed to a person whose ambition is to become chief justice.

“Sila pong tatlo ang nagsasabwatan para mapatalsik ako sa pwesto,” he said.

Of course, pwedeng sabihin na tao lang si CJ Corona. At bilang tao, tumpak na sabihin na sya ay nasasaktan din at dapat lang na sya ay lumaban at ipagtanggol ang kanyang pagkatao at dignidad.

Wala akong problema doon. Pero dapat nating pansinin, hangga ngayon ay di pa rin sya nag pa file ng leave of absence sa Supreme Court. Ibig sabihin, ang bawat kilos at mga bibitiwan nyang mga salita ay hindi bilang si “Corona” kundi bilang isang SC Chief Justice Corona.

At dahil dyan, karapat-dapat ba o hindi sa isang punong mahistrado na personal maglahad sa publiko ng isang conspiracy theory at mag akusa ng mga tao? Di ba ang mga ganitong pananalita ay sa bibig lang ng isang mamamayan na di tinaguriang Supreme Court Chief Justice na laging binabanggit ang Rule of Law? Di ba dapat ang kayang disposisyon bilang mahistrado ay mas mataas kumpara sa isang tagapag-ulat ng tsismis o katulad ng isang pulpol na pulitiko na kahit ano sasabihin basta nakaharap sa mikropono?

Kaninang umaga din, inisa-isa nya ang mga properties na pag-aari nya. Tama nga siguro, pero di ba, nagrereklamo sya sa ginawa ng prosecutors sa pagsisiwalat ng mga inpormasyong ito? Bakit ganon? Kung sana ipinakita na nya ang kanyang SALN sa publiko eh di sana malinaw na ito.

Di ko tuloy mapigilan na mag isip, meron ba o walang SALN ang Chief Justice? Ano ba ang nandoon at magkano ba talaga ang kanyang Net worth?

Sa bagong telenovelang ito, bagaman umaasa ako na lalong lilinaw ang ilang aspeto sa usaping ito tungkol kay CJ Corona,  paulit-ulit din namang bumabalik sa aking isipan ang mga tanon na ito.

Si CJ Corona ba ay isang pulitiko o isang Chief Justice?

Ang paglalahad ba ng isang conspiracy theory at pag akusa sa ilang mga tao ay kasama sa tinatawag ni CJ Corona na rule of law? Is that how the mind of the Chief Justice of the Supreme Court works?

O katulad lang ba talaga sya ng kanyang benefactor na si Gloria Arroyo?

Is this how low the Chief Justice of the Philippines can go? O mas bababa pa sa pag usad ng impeachment trial?

Abangan sa susunod na kabanta.

Note:  Kung naguluhan ka sa sinasabi ko dito, pasensya na pero salamat kasi umabot ka dito, sa dulo.


Tweets

Categories