PHL Supreme Court Chief Justice Renato Corona

How low can he go?

Di ko alam.  Ikaw alam mo ba?

Pansamantala, isasantabi ko muna na  sya ay midnight appointee ni Gloria. Di ko rin gaano pinag-uukulan ng pansin ang kanyang mga properties, pag pabor diumano kay Gloria Arroyo at marami pang iba. Sa ngayon ito ang gusto kong sabihin.

Ngayong tumatakbo na ang Impeachment trial ni CJ Corona, lalong lumilinaw ang ilan sa mga aspeto ng pagkatao ng Chief Justice.

Ang pagkaalam ko, si Justice Corona ay di isang pulitiko at tulad ng sinsasabi nya na dapat ang rule of law ang mangigibababaw. Tama lang di ba?

PERO, kaninang umaga, malinaw na sa akin na sya ay katulad na rin ng mga pulpol na pulitiko natin. Ang takbo ng kanyang pananalita ay lubhang taliwas sa kanyang position. Malamang, napanood at napakinggan din ninyo sya kanina. At ang mga sinabi nya ay madali lang intidihin, di na kailangang dumugo ang ilong at di na rin kailangan pang pag isipan pa.

From ABS-CBN News

He cited 3 who allegedly want him removed from office because of their supposed hidden agendas.

He said the first person wanted to stop the distribution of the Hacienda Luisita to landless farmers in Tarlac. He earlier accused Malacanang, especially the President’s allies at the Liberal Party, of planning his ouster from office after the Supreme Court decided to distribute to the farmers the sugar estate in Tarlac.

He said he is also a roadblock to a person “who really wants to be vice-president but lost in the election in 2010.” He did not name the LP’s vice-presidential bet, Mar Roxas, who lost in 2010 to Jejomar Binay.

Finally, he said he is opposed to a person whose ambition is to become chief justice.

“Sila pong tatlo ang nagsasabwatan para mapatalsik ako sa pwesto,” he said.

Of course, pwedeng sabihin na tao lang si CJ Corona. At bilang tao, tumpak na sabihin na sya ay nasasaktan din at dapat lang na sya ay lumaban at ipagtanggol ang kanyang pagkatao at dignidad.

Wala akong problema doon. Pero dapat nating pansinin, hangga ngayon ay di pa rin sya nag pa file ng leave of absence sa Supreme Court. Ibig sabihin, ang bawat kilos at mga bibitiwan nyang mga salita ay hindi bilang si “Corona” kundi bilang isang SC Chief Justice Corona.

At dahil dyan, karapat-dapat ba o hindi sa isang punong mahistrado na personal maglahad sa publiko ng isang conspiracy theory at mag akusa ng mga tao? Di ba ang mga ganitong pananalita ay sa bibig lang ng isang mamamayan na di tinaguriang Supreme Court Chief Justice na laging binabanggit ang Rule of Law? Di ba dapat ang kayang disposisyon bilang mahistrado ay mas mataas kumpara sa isang tagapag-ulat ng tsismis o katulad ng isang pulpol na pulitiko na kahit ano sasabihin basta nakaharap sa mikropono?

Kaninang umaga din, inisa-isa nya ang mga properties na pag-aari nya. Tama nga siguro, pero di ba, nagrereklamo sya sa ginawa ng prosecutors sa pagsisiwalat ng mga inpormasyong ito? Bakit ganon? Kung sana ipinakita na nya ang kanyang SALN sa publiko eh di sana malinaw na ito.

Di ko tuloy mapigilan na mag isip, meron ba o walang SALN ang Chief Justice? Ano ba ang nandoon at magkano ba talaga ang kanyang Net worth?

Sa bagong telenovelang ito, bagaman umaasa ako na lalong lilinaw ang ilang aspeto sa usaping ito tungkol kay CJ Corona,  paulit-ulit din namang bumabalik sa aking isipan ang mga tanon na ito.

Si CJ Corona ba ay isang pulitiko o isang Chief Justice?

Ang paglalahad ba ng isang conspiracy theory at pag akusa sa ilang mga tao ay kasama sa tinatawag ni CJ Corona na rule of law? Is that how the mind of the Chief Justice of the Supreme Court works?

O katulad lang ba talaga sya ng kanyang benefactor na si Gloria Arroyo?

Is this how low the Chief Justice of the Philippines can go? O mas bababa pa sa pag usad ng impeachment trial?

Abangan sa susunod na kabanta.

Note:  Kung naguluhan ka sa sinasabi ko dito, pasensya na pero salamat kasi umabot ka dito, sa dulo.

15 Responses to “PHL Supreme Court Chief Justice Renato Corona”


  1. 1 bw January 25, 2012 at 9:30 pm

    ugh.. when justices are embroiled in dirty politics, bye bye democracy😦 Sabi nga nila, kahit mabulok ang legislative and executive offices ng bansa basta matino and marangal ang judiciary, may pagasa pang konti ang bansa. Subalit pag ang judicial at bulok, lagot na ang bansa. Panag laro yan e. Pag bulok ang referee, e bakit pa tayo maglalaro ?😡

  2. 3 bingskee January 31, 2012 at 3:24 pm

    yey! umabot ako sa dulo! malinaw na isa syang maruming pulitiko, kapit tuko sa pwesto. sino naman ang maniniwala na ang laban niya ay di para sa kanya kundi para sa buong hudikatura? call me judgmental pero lahat ng nadikit kay arroyo, me duda ako.

  3. 4 myepinoy January 31, 2012 at 6:27 pm

    @bingskee,

    Alam mo ba ang naiisip ko? di kaya tama sya? laban para sa hudikatura kasi majority sa kanila na appointed ni Gloria ay kapareho nya.

  4. 7 arvin February 18, 2012 at 9:58 am

    Maganda kung hindi siya ma impeach para lalong magkaroon ng di pagkakaunawaan ang gobyerno ni Pnoy at ng Supreme Court….total magulo na ang mundo eh di lubos lubusin na lang….

  5. 8 BHIE March 11, 2012 at 8:25 am

    Kung ikaw ang tatanungin ko, Guilty or innocent ba si Chief Justice? Bakit ??:)

  6. 9 myepinoy March 12, 2012 at 7:28 pm

    @arvin, well kung yan ang pananaw mo, sino ako para komontra. ang tanong ko lang, ano ba ang definition mo ng magulo ang mundo?

  7. 10 myepinoy March 12, 2012 at 8:13 pm

    @BHIE,

    Noong mga nakaraang araw, may mga estudyante ng isang malaki at kilalang pamantasan ang nagtanong sa akin para daw sa research papers nila at parehong pareho ang kamada ng tanong mo. Di kaya isa ka sa kanila? lol

    Anyhow, ang masasabi ko lang, pinapanood ko ang mga pangyayari sa Impeachment trial. Sa ngayon, malinaw ang mga lumabas na inpormasyon laban kay Corona. At sigurado naman kahit di magaling sa math, maiintindihan ang mga iyon at makapagsasabi na maraming bagay na dapat ipaliwanag sa publiko si Corona lalo na ang malaking discrepancy sa kanyang SALNs, ITR at mga bilyong pag-aari nya.

    Siguro naman di tayo nakatira sa Mars o sa TIMBUKTU at may sarili tayong malinaw na pag iisip para timbangin ang mga bagay-bagay.

    At hangga di nagpapaliwanag o ipinaliliwanag ng malinaw ni corona ang mga naglabasang ebidensya laban sa kanya, may duda ako na maraming katotohanang itinatago si Corona.

    At mismo, ang landmark decision NI Corona noong July 15, 2003 na nagbigay daan para makuha ng gobyernong Pinas ang perang itinago ni Marcos sa Swiss banks ang isa sa solid na basehan o gabay para malaman kung sya ba ay guilty o hindi.

    Bago humaba ang sagot ko sa yo, ang tanong ko lang (ang pinupunto ng post na ito) kung lagi nya binabanggit ang rule of law at kung ano pang ek ek sa batas, tama ba na si Corona ay magsalita o mag assume (conspiracy theory) katulad ng mga pulpol na pulitiko at mga manunulat ng tsismis na walang ipinakitang matibay na ebidensya gayong sya ay di naman nagle leave bilang isang Supreme Court Justice? Ganon ba kababaw ang rule of law na sinasabi ni Corona? He should know better. Dapat alam nya na di lahat ng pinoy ay di basta basta naniniwala sa mga ganong pahayag at ginagamit ang pag iisip para i analyze ang mga bagay-bagay. sa maikling salita, di lahat ng pinoy ay tanga.

    Ikaw, ano naman ang masasabi mo? Guilty ba sya o innocent? Bakit??

  8. 12 Francis Gella May 16, 2012 at 12:32 pm

    MYEPinoy

    Ito lan masasabi ko sa kaso ito.. simple lang… hindi nga tanga lahat ng tao para maniwala sa mga salita ng kung sino man.. politiko man o hindi.. mataas man ang position o hindi! may kanya knya tau opinion tungkol d2, ito ang akin opinion. para sa lhat ng ebidensiya pinakita ng prosecutor para sa akin hindi pa napapatunayan na na totoo lhat ng ebidensya nila. una sa lhat ng ebidensya nila hindi ako masyado naniniwala.. dahil sa una sinabi nila 45 properties ngyon sinabi nila 27 na lang… alam mo sa akin kung tatanungin mo ako kung guilty or innocent.. sa akin hindi ko alam pa dahil para sa akin politcal lang 2 ginagawa nila. magiisip isip lang. siguro nagaral tau ng basic law sa college. alam natin lahat kung pano ipasa ang impeacment sa senado. at alam natin kung pano magdemanda o magreklamo ng kaso. hindi ako abogado pero napagaralan ko at naturo sa akin ng profesor ko sa law. isa sa tinuro niya at hinalimbawa sa akin tama ba magsampa ka ng kaso sa isang tao ng wala ka ebidensya sa kamay mo.. syempre hindi kailangan me ebidensya ka. so ano kailangan mo gawin para makakakuha ka ng ebidensya syempre maglikom ng ebidensya muna kung lahat ng ebidensya nasau na saka ka mag sampa ng kaso sa korte. yun ang sagot ko sa profesor ko at sabi niya naman tama.. kc wala ka basis sa pagsamapa mo ng kaso kung wala ka ebidensya at wala ka panalo sa complaint mo kung wala ka pang hawak.. kc mahirap pag nagsampa ka ng kaso ng wala pa sau ang ebidensya. ngyon sa akin opinyon kc sa nakikita ko sa trial na ito simula umpisa ng trial na ito. nagsampa ng kaso ang mga complainants ng wala pa silang hawak n ebidensya.. kung bago nagsampa sila ng kaso. pero wala pa sa knila ang ebidensya, ngayon palang sila nagkakalap ng ebidensya.. kung baga naghuhuli sila ng isda sa dagat.. at baka makatsumba ng malaki.. masasabi ko kung ngayon palang judgement na not guilty.kc kulang sa ebidensya ang prosecutor. pero hindi pa tapos ang trial kaya hindi pa tama magjudgement ngayon.. kc maraming hindi pa tapos nasasagot si corona marami rin katanungan.. kc hindi naman tama mag judge tau ng hindi pa nakakapagexplain yun respondent.. wag tau magpadala sa mga bigla labas na ebidensya… porket sinabi ganito maniniwala tau agad.. magisip muna tau baka naman hindi totoo yan.. hintayin natin yun kabila.. kaya sa akin sa huli ng trail dun tau mag judgement… para sa akin masmaganda hindi matangal ang nakaupo si corona.. masgusto ko hindi hawak ng gobyerno ang judicial.. kc pag hawak ng gobyerno… hawak na lahat ng pangulo lahat.. pwde niya na lahat gawin ang lahat pati judicial hawak na niya…. wag masyado magusga. magisip isip muna wag bayas

  9. 13 myepinoy May 16, 2012 at 7:16 pm

    @ Francis Gella

    Iginagalang ko ang iyong pananaw at opinyon na inilahad at isinulat dito. Tama, ka at sang ayon ako sa yo na di dapat wag mag judge o mag husga. kaya kung di ka naguluhan sa post kung ito, nabasa mo na nagtatanong lang ako at tulad ng isinulat mo dito, maraming dapat sagutin o ipaliwanag si corona. sa mga naglabasang ebidensya lalo na yong sa kanyang mga bank accounts, walang tuwirang pagtutol o pahayag mula kay corona na wala syang dollar accts o pera sa mga bangko na mas higit sa legal na kinikita nya o yong ideniklara nya sa kanyang SALN. Kung sana noon pa sya tumestigo para pabulaanan ang lahat ng ito at di na sya nag press con o nag media blitz, di sana tapos na ang boksing at nagkaalaman na na imbento lang ng mga taga congress at ng adminsitrsyon ang lahat ng ito.

    isang punto pa, sa ngayon, siguro alam na nating lahat, mula rin sa mga senator judges at mga eksperto sa batas na hindi 100% katulad ng ordinaryong kaso ang impeachment case at talagang by nature political ito .

    sa susunod na hearing, tetistigo na si corona kahit may pending motion sya sa SC na ipahinto ang impeachment case, ano kaya ang ibig sabihin nito?

    maraming salamat

  10. 14 Krystle June 4, 2013 at 6:58 am

    Hey! I just wanted to ask if you ever have any issues
    with hackers? My last blog (wordpress) was hacked and I ended up
    losing several weeks of hard work due to no
    backup. Do you have any methods to protect
    against hackers?


  1. 1 Nag walk-out si Mirriam, si Corona at si Ruffa « myepinOy's bLOG Trackback on June 26, 2012 at 3:00 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: