Archive for June, 2012

Nag walk-out si Mirriam, si Corona at si Ruffa so what?

Walk-out Lady

Noong nakalipas na mga araw, tineks ko ang aking kaibigan. ang sabi ko, dre, nag walk-out si Mirriam sa Impeachment Trial ni Corona.

Ang sagot sa akin ng kaibigan ko,

pre, ano naman ang keber ko dyan. kahit naman sya mag walk-out araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? At isa pa expected naman sa kanya yan kasi sobra na sya sa talino. Ang mga nandyan mga gago. wahh.

Noon namang tumestigo si Corona, tineks ko ulit ang aking kaibigan. ang sabi ko, dre, nag walk-out si Corona pagkatapos nya sa witness stand. Napikon si Enrile.

Ang sagot sa akin ng kaibigan ko,

pre, ano naman ang keber ko dyan. kahit naman  mag walk-out si Corona araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? At isa pa expected naman sa kanya yan kasi ayaw nya sumagot. Kasama na yan sa script buking na kasi. kailangan nya ng isang drama para maantig ang damdamin ng mga pusong mamon na pinoy. iniisip nya siguro, marami naniniwala sa kanya. baka magkaroon ng mirakol, pipol power katulad noong impeachment ni Erap.

Kay Enrile ganon din.  kahit naman araw-araw syang mapikon, wala namang epek sa kabuhayan ko yan. so, ano paki ko? Ikaw Pre, meron ba?

Noong May 10, 2012, nag-text sa akin ang aking kaibigan, Ang text message nya,  “Pre, Talo si Pacman. Nadaya! Olats ako sa pustahan. malaki! bwisit!”

Ang sagot ko naman,

dre, ano naman ang paki ko dyan? kahit araw araw matalo at madaya si pacman, di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? Yan, pumusta ka, yari ka kay kumander, may unexplained expenses ka.  manigas ka. wag mo ako uutangan. At saka, hindi sa akin  o sa barangay mo dapat ipaalam na natalo ka, kay kumander mo yan sabihin at doon ka magpaliwanag.  lol

Noong June 23, 2012, nag-text sa akin ang aking kaibigan. ang sabi nya, Pre, nag walk-out si Ruffa sa kanyang show sa TV5. Sabi nya sa mga ilang tweets nya, “From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.” and “I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others. ‪#Paparazzi‬”

Ang sagot ko sa aking kaibigan,

dre, ano naman ang paki ko dyan. kahit naman sya mag walk-out  araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan?

At kahit nga ma in-love sa akin yan (assuming), di ko sure kung ano ang aking gagawin. (at may paki pala. lol). malamang, di ko kakayanin, kasi spokening in dollars yan. eh alam mo naman ngayon, strenghtening daw ang piso kontra dolyares dahil umuunlad na ang ekonomiya ng pinas ayon sa sabi ng mga kagalanggalang na mga opisyales ng kumite de peste-ho este gobyerno. bwahahaha.

Kahapon, kasama ko ang pare ko. Nagpunta kami sa bahay ng isang kaibigan namin. Nakikain. At talaga namang  napakasarap ng inihandang pagkain ni kumare. Kaya natural din na mapasarap kwentuhan. umaasa din, baka may second round pa. ha ha ha.

Sa gitna ng kwentuhan at katuwawaan, mga alas-onse pasado  na ng gabi, lumapit sa amin ang aming kumare. sa isp ko, yan na!  yon pala may sasabihin lang kay pareko.

“Pare, may text message  si kumare.” Ang sabi, ‘UMUWI KA na! NOW NA! kung HINDI ka pa UUWI, magwo walk outside na sya sa bahay nyo para sunduin ka.’

Ang sagot ni pareko, “Ah ganon! …. Yan!  yan ang malaki ang aking paki. D’yan ako may KEBER.

Hmmm. Napaisip ako. Di dahil sa sinabi ni pareko kundi dahil gusto ko. Paminsan-minsan okay din pala gamitin ang brain.  Masarap din pala ang nag-iisip. bwahahaha

Kung ano ang aking iniisip, itanong mo sa box sa ibaba. pramis sasagutin kita. At kapag nagkita tayo, papanumin pa kita ng sikat na beer sa buong mundo – beertigo. (with korniks)

lol

Kwidaw, gusto mo ng baboy at magic question di ba?

Sa matagal na panahon, siguro mahihigt na sa isang libong araw, ngayon o kanina lang ulit ako nakatanggap ng tawag na nagtatanong ng isang magic question na nangagailangan ng magic na sagot.

Ganito ang usapan:

sya: hi Mr. roi! This is sya.
ako: yes sir, this is rolly. Good evening sir? How I may help you?
sya: I new in market, can help me. … saying some words i can’t understand.
ako: yes sir, tell me. perhaps I can help you.
sya: yes. yes.
ako: okay sir. what help do you need?
sya, la. no understand much.

then, i heard him calling someone.

sya: here, kabayan.
ako: okay
kabayan: sir musta, ako si PaNhuy, boss ko sya.
ako: yes kabayan, ano ba maitutulong ko? ano daw gusto ng boss mo?
kabayan: gusto nya sumubok sa stock market, ano ba pwede nya gawin.

Me, i proceeded doing something that is not unusual. It is not UnUSUAL IN THE SENSE THAT bank employees are required by law to do the usual.  lol.  I am referring to the required (sinabi ko na ito di ba?)  KYC (Know Your Customer) blalalala.

Nagpatuloy ang usapan.

Dumaloy ang napakaraming mga blah blah bla bla blah.

At habang natutuyo at napapalitan ang mga laway sa aming pag uusap, narinig ko ang boses ng boss. may sinasabi kay kabayan.

kabayan:  sir, ano daw ba ang share or company na pwede nyang bilihin na malaki ang kanyang kikitain?

and that was the magic question

me: Ha? Ha! Huh?! baliw ba ang amo mo. Kung alam ko sagot, e di na sana ako nagtatrabaho dito at di na ako sasagot sa mga tanong na ganito. Sasarilin ko na para ako ang big-time. Alam mo sometimes, selfish din ako. gets mo? lol

and that was my stupid answer.

tuloy pa rin ang usapan.  napunta sa kwentuhan hanggang umabot sa,

me: kabayan, ito ang masasabi kong siguradong sigurado. Sa 2013, harangan man ito ng sibat, sigurado tatakbo ito bilang kandidato sa election. Di ba, katulad na katulad ito nang ginawa ng asawa nya.  ginagawa naman nya ngayon.  ang dami kasing pera, nakapaligo na siguro sa dagat ng basura, yong bidang ale.  (sino nga ba bida dito? aling ale?) lol

Ang naunang nabanggit ng boss ni kabayan ay talagang magic question. isang malaking misteryo sa karamihang taong mortal.

Ang ikalawa at huling nabanggit ko, tulad ng inyong napanood ay hindi na. Dahil, ito ay isang bulok na bulok na bulok na style.  kung ako ang inyong tatanungin,  ito ay nababalot sa isang  pagbabalatkayo na umaalingasaw dahil nabasa ng tubig mula sa dagat ng basura.  Hindi ko sinasabing walang kwenta ang ginagawa nya sa mga taong kawawa. ang sinasabi ko lang, bakit kailangan mo pang gamitin ang aleng kawawa para lang ikubli ang isang personal na motibo. dahil ba gustong makauna sa iba? dahil ba sa dami ng pera so ‘i might as well use it’ para magpa gwapa sa mahihirap? ito, ito ang gawain ng mga taong AYWAN!

Buti pa ang boss ni kabayang PaNhuy, malinaw, prangka – GUSTO NYA KUMITA NG MALAKING PERA. Ang napanood ninyo sa video, malinaw din. malinaw na EPAL at  di nya ako mauuto. hinding  HINDI NO!

Pera este pero, teka muna, narinig na ba ninyo ang kantang Gusto Ko Ng Baboy ng Radio Active Sago Project?


Paglilinaw:  Nais ko pong ipaalam na di ko talaga sinasabi ito sa kausap kong si kabayan:

Ha? Ha! Huh?! baliw ba ang amo mo. Kung alam ko sagot, e di na sana ako nagtatrabaho dito at di na ako sasagot sa mga tanong na ganito. Sasarilin ko na para ako ang big-time.  Alam mo sometimes,  selfish din ako.  gets mo? lol.

UULTIN KO PO:

Ha? Ha! Huh?! baliw ba ang amo mo. Kung alam ko sagot, e di na sana ako nagtatrabaho dito at di na ako sasagot sa mga tanong na ganito. Sasarilin ko na para ako ang big-time.  Alam mo sometimes,  selfish din ako.  gets mo? lol.

Di pa po naman ako engot para sabihin yon kasi pinapataba ko pa ang baboy, este ang aking funds for my retirement. lol


Tweets

Categories