Nag walk-out si Mirriam, si Corona at si Ruffa so what?

Walk-out Lady

Noong nakalipas na mga araw, tineks ko ang aking kaibigan. ang sabi ko, dre, nag walk-out si Mirriam sa Impeachment Trial ni Corona.

Ang sagot sa akin ng kaibigan ko,

pre, ano naman ang keber ko dyan. kahit naman sya mag walk-out araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? At isa pa expected naman sa kanya yan kasi sobra na sya sa talino. Ang mga nandyan mga gago. wahh.

Noon namang tumestigo si Corona, tineks ko ulit ang aking kaibigan. ang sabi ko, dre, nag walk-out si Corona pagkatapos nya sa witness stand. Napikon si Enrile.

Ang sagot sa akin ng kaibigan ko,

pre, ano naman ang keber ko dyan. kahit naman  mag walk-out si Corona araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? At isa pa expected naman sa kanya yan kasi ayaw nya sumagot. Kasama na yan sa script buking na kasi. kailangan nya ng isang drama para maantig ang damdamin ng mga pusong mamon na pinoy. iniisip nya siguro, marami naniniwala sa kanya. baka magkaroon ng mirakol, pipol power katulad noong impeachment ni Erap.

Kay Enrile ganon din.  kahit naman araw-araw syang mapikon, wala namang epek sa kabuhayan ko yan. so, ano paki ko? Ikaw Pre, meron ba?

Noong May 10, 2012, nag-text sa akin ang aking kaibigan, Ang text message nya,  “Pre, Talo si Pacman. Nadaya! Olats ako sa pustahan. malaki! bwisit!”

Ang sagot ko naman,

dre, ano naman ang paki ko dyan? kahit araw araw matalo at madaya si pacman, di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan? Yan, pumusta ka, yari ka kay kumander, may unexplained expenses ka.  manigas ka. wag mo ako uutangan. At saka, hindi sa akin  o sa barangay mo dapat ipaalam na natalo ka, kay kumander mo yan sabihin at doon ka magpaliwanag.  lol

Noong June 23, 2012, nag-text sa akin ang aking kaibigan. ang sabi nya, Pre, nag walk-out si Ruffa sa kanyang show sa TV5. Sabi nya sa mga ilang tweets nya, “From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.” and “I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others. ‪#Paparazzi‬”

Ang sagot ko sa aking kaibigan,

dre, ano naman ang paki ko dyan. kahit naman sya mag walk-out  araw araw di naman mababago na OFW pa rin ako. Mabubuhay ba pamilya ko dyan?

At kahit nga ma in-love sa akin yan (assuming), di ko sure kung ano ang aking gagawin. (at may paki pala. lol). malamang, di ko kakayanin, kasi spokening in dollars yan. eh alam mo naman ngayon, strenghtening daw ang piso kontra dolyares dahil umuunlad na ang ekonomiya ng pinas ayon sa sabi ng mga kagalanggalang na mga opisyales ng kumite de peste-ho este gobyerno. bwahahaha.

Kahapon, kasama ko ang pare ko. Nagpunta kami sa bahay ng isang kaibigan namin. Nakikain. At talaga namang  napakasarap ng inihandang pagkain ni kumare. Kaya natural din na mapasarap kwentuhan. umaasa din, baka may second round pa. ha ha ha.

Sa gitna ng kwentuhan at katuwawaan, mga alas-onse pasado  na ng gabi, lumapit sa amin ang aming kumare. sa isp ko, yan na!  yon pala may sasabihin lang kay pareko.

“Pare, may text message  si kumare.” Ang sabi, ‘UMUWI KA na! NOW NA! kung HINDI ka pa UUWI, magwo walk outside na sya sa bahay nyo para sunduin ka.’

Ang sagot ni pareko, “Ah ganon! …. Yan!  yan ang malaki ang aking paki. D’yan ako may KEBER.

Hmmm. Napaisip ako. Di dahil sa sinabi ni pareko kundi dahil gusto ko. Paminsan-minsan okay din pala gamitin ang brain.  Masarap din pala ang nag-iisip. bwahahaha

Kung ano ang aking iniisip, itanong mo sa box sa ibaba. pramis sasagutin kita. At kapag nagkita tayo, papanumin pa kita ng sikat na beer sa buong mundo – beertigo. (with korniks)

lol

2 Responses to “Nag walk-out si Mirriam, si Corona at si Ruffa so what?”


  1. 1 bing July 5, 2012 at 11:58 am

    ano ang iyong iniisip? kaya lang, di ako umiinom ng beer.😀

    kakatuwa ang exchanges ninyo ng kumpare mo. wala daw mga paki pero me expleneysyon palagi he he

  2. 2 myepinoy July 6, 2012 at 7:23 pm

    @bing,

    ha ha ha.

    salamat.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Tweets

Categories


%d bloggers like this: