Archive for August, 2012

Basta, ang importante, mahalaga.

“Basta, ang importante, mahalaga.” Minsan narinig ko ito sa isang tao.

At nasabi ko, okay ito. Di ko na pinag-sipan pa kung talagang ang importante, mahalaga.

The six monkeys

The Six Monkeys @ Isdaan, Gerona, Tarlac

Kaya naman, tuwing may makakausap ako na tipong may problema, lagi kong naisisingit sa usapan ang linyang, ‘basta, ang importante, mahalaga. Kapag minsan naman, binabaligtad ko, “ang mahalaga, importante.”

Kung minsan, natatawa ang pinagsaabihan ko. kung minsan naman naiinis at napapagsabihan ako, ‘nang-aasar ka ba?”

Dahil nga di ko naman pinag-isipan kung ano ba talaga  ang saysay nito at sa tingin ko lang ay okay sabihin, kaya, as expected, ang sagot ko ulit, ‘basta ang importante, mahalaga.” ha ha ha

Noong isang araw, sinubukan kong pag-isipan kung ano nga ba ang ibig sabihin o may kahulugan ba o may saysay ba ang salitang, ‘Basta, ang importante, mahalaga.”

So, ano nga ba?

Ito ang mga salitang mabilis na sumagi sa aking isipan.

The man @ Baguio City public market

The Man @ Baguio City Public Market

Ang importante, mahalaga.
Ang hindi importante, hindi mahalaga.
Ang hindi importante, posibleng mahalaga.
Ang importante, posibleng hindi mahalaga.
Ang importante sa isang tao, maaring hindi mahalaga sa ibang tao.
Ganon din naman na ang hindi importante sa isang tao, maaring mahalaga sa ibang tao.

The Man @ Baguio City Public Market

The Man @ Baguio City Public Market

Marami pang bagay ang pumasok sa aking isipan pero wag na ninyo ako tanungin kasi inantok ako. Nakatulog at pag gising ko kinabukasan, nakalimutan ko na ang iba pang bagay bagay na pumasok sa isipan ko.

At ang kamangha-mangha sa lahat, makalipas ang ilang araw  simula ng nag-isip ako, kanina, pag gising ko, iisang linya pa rin ang malinaw na malinaw at hindi ko nakakalimutan, ‘basta,  ang importante, mahalaga.”

Naisip ko (ay salamat naman gumagana pa. lol), siguro, pag dating ng panahon, maipapaliwanag ko rin ng maayos ang aking pagka-intindi o pagka-unawa sa mga salitang ito.

Sundot Kulangot - Baguio City Public Market

Sundot Kulangot

Sa ngayon, ang masasabi ko lang, ‘basta ang importante, mahalaga.”

Kita nyo, mayroon ako naisulat dito kahit papaano.

LOL

This slideshow requires JavaScript.

oops, teka muna, tama bang sabihin, “basta, ang importante, mahalaga?” Kung ikaw ang pagsasabihan ko nito, matutuwa ka ba o maiinis?

Pinoy, Kailan Ka Matututo?

Kahapon, kausap ko ang aking kaopisina. Di sya Pinoy.

May itinanong sya sa akin. Hindi ako nakasagot. Natulala, sapagkat hiyang-hiya ako. HinDi dahil may ginawa akong masama o ano mang bagay na magpapababa sa pagkatao ko bilang Pinoy.

Ang dahilan, basura.

Tama po. Basurang nagkalat. Basurang itinapon na lang sa kung saan. Basurang inanod ng baha dahil sa bagyong Gener. Basurang mula sa iba’t-ibang lugar, namasyal, napilitang manood ng paglubog ng araw sa isang bahagi ng seawall sa Roxas Boulevard. Tone-toneladang basura na lumabas sa balita at  nakunan ng larawan.

Source: ABS-CBN

Ito, kumakalat sa buong mundo via internet. Ito ang basurang nakita ng aking kaopisina. Ito ang basurang itinanong nya sa akin. Ito ang basurang nagdulot ng aking kahihiyan bilang Pinoy.

Matagal-tagal na hindi ako nakakaranas ng ganitong kahihiyan. Matagal-tagal na rin na di ako natatamimi.

Kahapon lang ulit.

Kaya, muli, ang utak kong matagal-tagal ng di nagtatatanong at nagiisip, bigla na lang napuno ng mga tanong. Pakiwari ko, bigla na lang itong nagasgas dahil sa basura.

Naiinis ako. NapiPikon. Bwisit talaga!  Sino?  Sila! Mga gago at tanga!

May mga sinabi at karanasan na muli bumalik sa aking isipan.

Ang sabi ni Kulas.

ang siste, ang mga pinoy kung nasa ibang bansa, marunong magtapon ng basura sa tamang lugar, pag nasa pinas, bahala na si batman.

Tama si Kulas.

Kasi minsan, nakita ko ang mukha sa binanggit ni Kulas. Tawagin na lang natin sya na, ang matino na gago at tangang pinoy.”

Pauwi ako sa Pinas noon. May nakasabay ako. Mapino ang kanyang kilos, malinis ang anyo, maayos ang bihis, kagalang-galang ang dating. Sa boarding area ng Changi Airport, habang naghihintay, kumain muna sya ng chocolate. Unti-unti,  naubos ang mamahaling tsokolate.

Malumanay na  uminom ng tubig.

Pagkatapos  ibalik ang bottled water sa kanyang leather bag,  tumayo, luminga-linga, may hinahanap.

Basurahan. Garbage bin.

Pero wala. Wala syang nakitang basurahan na malapit sa kinatatayuan nya.

Habang umuupo, dahan-dahan nyang itinupi ang wrapper, maingat na isinuksok sa isa sa bulsa ng kanyang magara, kulay itim at tila mamahaling coat. Kinuha ang iPad. Nagbasa.

“Cool. Tunay kang pinoy kabayan!,” yan ang naisip ko. Napangiti ako at napahanga sa kanyang ginawa.

Pag dating sa Pinas, hinubad ang magarang itim na coat, Kinapa-kapa ang bulsa, may dinukot. At bago sumakay sa mamahaling sasakyan na sumusundo sa kanya, ang wrapper ng tsokolate na iningatan at ibinulsa sa magara nyang coat, itinapon na lang basta sa kalsada. Hindi man lang sya nagpatumpik-tumpik o lumingon-lingon pa katulad ng ginawa nya doon sa airport ng Singapore.

Humarurot ang sasakyan. Para bagang sinasabi nya, “I’m back to where I belong! My one and unli beloved Philippines.”

Ang wrapper naman, natangay ng hangin, “OMG! He just dumped me in the street. Shit! This is it!  Welcome to the Philippines!

***

Basura! Basura! Basura!

May taong matino.
May taong gago.
May tao ring tanga.
Sa kaso ng tone-toneladang basura
na naanod sa Roxas Boulevard
malinaw na
mas marami ang gago at tanga.

Kung ikaw ang isa
sa napakaraming gago at tanga
Sensya na
Kailangan kong sabihin ito
Dapat napasama ka na
sa mga naanod na basura.

Di kita sinisisi
Dahil wala nang silbi
Lalo na kung gago at tanga ka.
Basura! Basura! Basura!
Mas masahol ka pa sa basura.


Tweets

Categories