Posts Tagged 'Pilipinas'

“DYOS ko, bakit mo kami pinababayaan?”

Malamang sa hindi, minsan, narinig na natin ang panaghoy na ito sa isang tao, sa maraming tao o possible rin na minsan, nasabi na rin natin ang linyang ito.

Sa taong ito, ang dami-daming mga kalamidad, gawa ng tao o kalikasan, ang humagupit sa ating bansa – gyera sa Zamboanga, lindol sa Bohol, bagyong Yolanda sa Visayas, PDAF scam at iba pa.

Ang lahat ng ito ay nakikita ng ating mga mata, nararamdaman natin ang sakit ang hirap ng mga taong nasalanta. Aminin man natin o hindi, apektado rin tayo, nababagabag, napapaisip, napapatanong, Dyos ko, bakit laging ganito?

Minsan, ang mga delubyo ay nagbibigay din ng maraming positibo at negatibong bagay at sigurado alam na ninyo ang marami doon pero, hindi po yon ang punto ko sa muni-muning sulatin kong ito.

May kwento akong naalala. Di ko na lang po matandaan (sensya na po) kung saan o kung sino ang nagkwento.

Minsan, may malakas na bagyong parating. Sinabi ng PAG-ASA na napakalakas nito at ito ay may dalang super lakas na ulan at magdudulot ng mawakang pagbaha sa kabayanan at ang lahat ay pinayuhan na mag ebakwet na sa ligtas na lugar.

Sa isang magarang bahay ng isang mayamang ale na super relihyoso, sinabihan nya ang kanyang mga kasama sa bahay na magdsal para lahat sila at iba pang tao ay maligtas sa perwisyong dala ng parating na bagyo.

Isang araw bago dumating ang bagyo, umikot sa kabayanan ang mga opisyales ng gobyerno at sinabihan ang mayamang ale na lumikas na. Dahil, matindi ang paniniwala ng mayamang ale, sinabi nya sa mga opisyales na di sila lilikas dahil sa paniniwala nya na sila ay maliligtas – Our God will protect and save us.

Dumating ang bagyo, tumataas na ang tubig, pinuntahan ulit ng mga opisyales ang mayamang ale at hinikayat na sumakay na sa truck para sila ay mailikas sa ligtas na lugar. At tulad ng nauna nyang sagot, Our God will protect and save us. Yong iba na lang po ang puntahan ninyo

Tumataas na ang tubig, at inabot na ang bahay ng ale. Umakyat sila sa second floor ng magarang bahay. Tuloy tuloy pa rin ang kanilang pagdarasal.

Dumating ang rescue team sakay ng isang sasakyang pang-tubig. Hinikayat muli ang mayamang ale. at muli, tulad nang mga nauna nyang sagot, our God will protect and save us. Yong iba na lang po ang puntahan ninyo.

Lumaki at tumaas ng tumaas ang tubig habang papalakas ng papalakas ang buhos ng ulan. Napilitang umakyat sa bubungan ang mayaman at relihysong ale kasama ang iba pang tao na nasa magarang bahay.

Muli, dumating ang rescue team at sinabihiang sumakay na kayo dito sa amphibian at lisanin na ninyo ang inyong lugar dahil napaka delikado na. ang mga ibang taong kasama nya ay sumunod sa panawagan ng rescue team subalit ang mayaman at reliyosong ale ay di natinag. Humingi lang sya ng ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig at hinayaan na nyang makalikas ang kayang mga kasama. sinabi nya sa kanila na wag na syan alalahanin, may power ang prayer, my God will listen. My God will save and protect me.

Noong makaalis na ang rescue team, lalong nagngalit ang panahon. Habang ang ale ay nag-iisang nag darasal sa bubungan hawak-hawak ang rosaryo, ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig, hindi na nakayanan ng magarang bahay ang malakas na agos ng tubig baha. Naanod ang magarang bahay. Natigok ang mayaman at reliyosong ale.

Habang naghihingalo ang ale, napansin nya na nasa harapan nya ang Dyos. May konting tampo sya na tinanong si Lord.

“God, bakit po di ninyo dininig ang aking mga dasal. Pinabayaan po ba ninyo ako?”

“Anak, hindi! Sa totoo lang, dinig na dinig ko lahat ng iyong dasal. Sinagot kita pero di mo ako pinakinggan.”

“Papaano po nangyari yon? Kung nadinig po ninyo ang aking mga dasal, di sana, ligtas ako ngayon, di naanod ng baha, buhay na buhay.”

“Anak, di ganon yon. Di ba ilang beses na kitang tinatawag para lumikas. Ilang beses kitang pinadalhan ng tulong para makalikas ka sa ligtas na lugar, pero imbis na tanggapin mo ang aking alok, nagmatigas ka at di ka nakinig.At bago pa ang rescue team at higit sa lahat, BINIGYAn kita ng UTAK para gamitin mo. Sa katunayan, tuwang tuwa ako sa yo noong ginagamit mo yon kaya biniyayaan kita ng mga kayamanan sa mundo. Pero, sa pagkakataong ito, nagulat ako sa iyo. Nawala ang UTAK na ibinigay ko sa yo.”

Hiyang-hiya ang ale. Natameme.

At ito po ang punto ng sulatin kong ito.

Tulad ng ale sa kwento, TAYONG mga PINOY ay BINIYAYAAN ng UTAK. Sa kasamaang palad, di natin ito ginagamit. Ilang beses na ba tayong naghalal ng mga walang kwentang lider kapalit ang ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig habang hawak hawak ang rosaryo at nagdarasal, humihingi ng tulong sa Dyos?

Sa mga patindi na patinding kalamidad na humhagupit sa ating bansa, na e expose ang ugali ng mga walang kwentang lider na ibinoboto natin, ang bulok na sistemang hindi natin tinatanggihan bagkos nakikilahok pa tayo. At sa huli, marami sa atin ang nangamamatay sa gutom, sa sakit, sa kawalan ng kabuhayan, sa mga kalamidad at iba pa.

Kung ginagamit lang sana natin ang ating mga UTAK para maintindihan natin ang patindi na patinding mensahe at sagot sa ating mga dasal, SIGURO maliligtas tayo, magiging maayos ang buhay natin.

Malapit na po uli ang eleksyon. Ilang panahon na lang. Gagamitin ba natin ang ating mga UTAK o hahayaan na lang natin matulad sa aleng NATIGOK?

Sana, kung makakaharap natin Sya, hindi na sana ma-replay ang usapan ng ale at Dyos:

“God, bakit po di ninyo dinidinig ang aking mga dasal. Pinabayaan po ba ninyo ako?”

“Anak, hindi! Sa totoo lang, dinig na dinig ko lahat ng iyong dasal. Sinagot kita pero di mo ako pinakinggan.”

“Papaano po nangyari yon. Kung nadinig ninyo ang aking mga dasal, di sana, ligtas ako ngayon, di naanod ng baha, buhay na buhay.”

“Anak, di ganon yon. Di ba ilang beses na kitang tinatawag para lumikas. Ilang bese kitang pinadalhan ng tulong para makalikas ka sa ligtas na lugar, pero imbis na tanggapin mo ang aking alok, nagmatigas ka at di ka nakinig.At bago pa ang rescue team at higit sa lahat, BINIGYAn kita ng UTAK para gamitin mo. Sa katunayan, tuwang tuwa ako sa yo noong ginagamit mo yon kaya biniyayaan kita ng mga kayamanan sa mundo. Pero, sa pagkakataong ito, nagulat ako sa iyo. Nawala ang UTAK na ibinigay ko sa yo.

ANAK, di mo ba napapansin, palakas ng palakas ang aking mga KATOKsa pintuan mo. Sana naman, gamitin mo ANG UTAK mo para unawain at intimdhin mo ang mensahe ko ”

Sana. Sana nga. Sana nga. Sana nga! Harinawa!
Image

^***

Naghihintay sa ano mang sagot ninyo, malumanay man o bayolente. he he he

PUSO, Basketbol, PDAF SCAM at iba pa.

Kagabi, habang pinapanood ko ang video ng laban ng Gilas Pilipinas sa Korea, sa huling parte ng video, napansin ko maraming pinoy ang napaiyak.

Hindi ako nagulat.
Pero napaisip ako.
Napaisip ng malalim.
Bakit ganon?
Kung INIYAKAN natin ang panalo ng Gilas Pilipinas,
bakit di natin INIIYAKAN ang bilyon o trilyong piso
na araw-araw, sama-samang,
ninanakaw ng mga opisyales ng ating gobyerno, senador, kongresman, gobernador, mayor, konsehal, kapitan ng barangay at iba pa?

Bakit ganon?
Ano ba ang mas importante sa ating mga Pinoy,
basketbol o ang bilyones na
ninanakaw sa atin?

Maraming pinoy ang nagsabi,
PUSO ang dahilan sa pagkapanalo ng Pinas sa Korea
pero nasaan ang ating puso
sa mga kababayan nating nagugutom, napipilitang kumain ng PAGPAG,
nakatira sa ilalim ng tulay na ang tawag nila ay bahay,
ang dumadaming mangmang,
mga magsaka at mangingisadang baluktot na ang katawan,
mga namamatay ba hindi man lang nakakita ng hospital,
mga pamilyang pinoy na nawawalay sa ama, ina o kapatid para mabuhay
dahil
HINDI man lang tayo naiiyak
sa galit
sa mga taong GANID na
nagpapasasa sa PERA mg bayan,
harap-harapang ninanakawan
tayo
hindi lang ng pera
pati na
ang ating kinabukasan at buhay na marangal.

Puso?
May PUSO nga ba tayong mga Pinoy?
Nasaan?
Nasa basketbol ba
o sa ibang bagay?
Puso?
May puso nga ba?
sa tingin ko,
WALA!
Dahil, na SCAM na rin ang Puso ng karamihang Pinoy.
Dahil bukas makalawa,
lahat ng magnanakaw
IHAHALAL na naman natin
para NAKAWAN ulit tayo!

Puso?
May PUSO nga ba ang mga Pinoy?
Kung minsan o madalas WALA!
WALA sa LUGAR!

Mamayang gabi,
kapag nanalo ang Gilas Pilipinas laban sa Iran
baka iiyak na naman tayo.
Pagkatapos ng basketbol
di ba tayo IIYAK sa galit
sa mga mangnanakaw na naglipana
sa ating bansa?
Hahayaan na lang ba natin silang
MAGNAKAW ng MAGNAKAW
dahil tsampyon sa Asian basketbol
ang koponang Gilas Pilipinas?

Marami ako gusto sabihin
pero di ko na isusulat dito
Naiiyak ako
sa takbo ng ating pag-iisip!
sa PUSO nating
tila baga wala
sa lugar.

Puso?
TANGA?
BALIW?

ASWANG, PULITIKO at BOTANTE

Noong isang araw, napanood ko ang isang episode ng Juan Dela Cruz, palabas sa Channel 2.

Ang sabi ng isang karakter na tumutugis sa mga aswang, “Hwag kang matakot sa mga aswang kung malakas ang kanilang atungal dahil malayo pa sila. Matakot ka kung tahimik o di na sila maingay kasi nasa paligid na sila at handa nang umatake.”

Sa ngayon, panahon nang eleksyon, di ba ganon din ang nangyayari? Habang nagngangapanya pa lang, halos buong barangay ay nabubulabog sa atungal na gawa ng mga PULITIKO. Ngunit, kapag nahalal na, napakatahimik at halos wala ka nang marinig sa kanila.

Sa mga botante, dapat ninyong tandaan; totoong dapat kayong matakot kung ang iniluklok ninyo sa pwesto ay nanahimik na. Tulad nang binaggit ng karakter sa palabas na Juan dela Cruz, matakot kayo kung tahimik at wala ng ingay ang mga aswang dahil nasa paligid na sila, handa nang umtake at lamunin ang biktima.

Kaya ngayon pa lang, kilatising mabuti, mag isip-isip at gamitin ang sentido kumon kung sino ang pagkakatiwalaan ninyo nang inyong napakahalagang BOTO. Dangan kasi, baka aswang imbes na tunay na lingkod bayan ang inyong maipwesto.

Kayo rin, baka maubos ang inyong lamang loob. LOL

May nagtanong, papaano daw ba malalaman kung aswang at di tunay na lingkod bayan ang tumatakbo? Aba, kayo ang makakasagot nyan? Hangga ngayon ba di pa alam ang mga aswang at tunay na lingkod bayan? NAMAN!!

HALer! Magpatuka ka na lang kaya sa King Cobra o kaya, Ipakain mo na lang ang sarili sa buwaya! At least magkakaroon ka ng silbi sa earth.

LOL!

— Sulating walang kwenta, Abril 5, 2013

Behave! Behave! It’s Party Time!

Behave! Behave! It’s party time!

HA?

Yes,  you read it right. It is like your parents’ never-ending words when you were a kid going to a  neighborhood children’s party.

Is it not ironic or perhaps stupid that  I tell you to behave during party time considering that you are no longer a kid?

The answer is yes and the answer is no but please don’t ask me why? lol

At this time of the year, parties are all over the place and I presume (as I always do. hehehe ), no one will dare  say that parties are a waste of money and time even if there is an economic problem, personal problem or whatever. After all, this is the season to be merry and happy after those long days of hard work. And, it’s Christmas time – period.

Obviously you know exactly what I am talking about – office parties.

Yes, office parties where the bosses down to the lowest ranks are given the chance to relax and unwind after working like donkeys for months. Although they are called parties, they are  still not the usual parties or  the real ones that we commonly know. The simple reason is that the company foots the bill and the people you party with are not exactly your personal friends, although perhaps few of them are.

These parties are also different as they may UNDO you when you forget to BEHAVE and you go astray. The professional image you’ve been trying (hard) to project for years may at an instance be shattered before everyone present in the party. The worst thing for you is that at the end of the day or when the party is over, you realize they are still the same people you have worked with for the past many years and the same guys you will mingle with for the next days to come. They are, after all, your bosses, your office-mates or your subordinates – unless of course it is your last day of work. Lol

I remember well when I was still working in the Philippines. We had a Vice President who was considered to be the most gentleman of all, the nicest, the most respected and the ‘crush ng bayan’ officer that ever lived in my company’s universe. He had our high regard until that one instant in his life when he had one drink too many and he became the most ‘maniac ng bayan‘ officer that ever worked in the company.

Although, he apologized for what had happened but things were never the same again. The label stuck with him and it evolved from maniac ng bayan to  MnB, Mannix and The Man.

Then, there was this very beautiful, prim and proper and very intelligent office-mate. And boy oh boy, she was the girl you’d want to be even in your dreams. Just like the The Man, I mean the VP, she lost count of how many cheers and kampays she had made. Lo and Behold, on that x night of Christmas, WE saw The Gift, which Santa had kept for the naughty and nice.  And SHE not SANTA made our wishes come true. ha ha ha

I can cite more situations, yet the whole point here is, you are in an office party and you need to restrain yourself. You may enjoy the party but you don’t let go and ‘let it all hang out‘ as if it’s the end of the world – sa heaven or sa hell walang alak or beer.  In other words,  you need to remember the word, BEHAVE, just like when you were told as a kid.

When you don’t, think about this.

When those ‘moments of their lives’ happened, the so-called digital world and the Internet were not as extensive, as fast and as easily accessible as it is today.

Nowadays, every event in your life is, in most occasions, recorded in digital cameras and then posted on Facebook, Twitter and Youtube. Hence you cannot claim that whatever transpires in these parties is just a “figment of the imagination”. The truth is, everything is real, and there is proof.

Now, just imagine this.  What if it is you who would have this moment during this time of the year  in this digital world of ours?

Well, you are just like every human being enjoying the party, the office party, right? True, but then chances are, when you snapped, somewhere, somehow, someone will have it in HD and without you knowing it, it goes viral and you become an Internet sensation.

So, would you let go and let it all hang out and forget the word ‘BEHAVE’?

Oh, one more thing, don’t drink and drive. But that’s a totally different thing.

It’s party time, right?

Behave!  Behave!

Remember Me Not

Bukas, 20 ng Hunyo 2010 ay Father’s Day, buong mundo ay magdiriwang para parangalan ang ang mga kabataan noon at mga mga Ama ngayon na pinagmumulan ng ating mga kabataan ngayon na pag-asa ng ating bayan. At ganon din, ang mga anak nila, pag dating ng araw ay magiging ama rin.

Ngayon po, 19 ng Hunyo 2010.

Marahil, marami o merong iilan sa atin ngayon, ay nakalimutan na ang araw na ito. Ito po ay araw ng aking kapanganakan. Hindi po naman ako nagdaramdam kung sakaling may mga nakalimot at di na alam ang araw na ito. Naiintindihan ko po ang kanilang mga sitwasyon. Lalo na sa ngayon, lubhang napakihirap na ng buhay at marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos, walang makain, walang hanapbuhay, walang tirahang maituturing na tunay na bahay, dumarami ang walang pinag aralan at higit sa lahat, katulad din noon, di nag iba ang kalakaran ng buhay. Marami pa rin ang mga api at pinagsasamantalahan ng mga naghaharing uri. Nag-iba nga lang ang kulay, anyo at lahi. Hindi na mga banyagang Kastila kundi kauring lahi na dahil sa kasakiman ay nagagawang alipustain ang ating Inang bayan at pagsamantahan ang mga mahihina nating mga kababayan.

Maraming taon na ang lumipas. Maraming bagay na ang nagbago. Maraming kaisipan sa mundo ang ating sinubukan, ginaya at ginawa, pero ganon pa rin ang ating katayuan. Di pa rin nakakaahon ang karamihan sa ating mga kababayan at ang ating inang bayan ay nagdarahop pa rin. Mas masahol pa sa lugmok, nakabaon na sa umalingasaw na putikan.

Continue reading ‘Remember Me Not’

What if? Welcome to my nightmare!

Welcome to my bangungot and to yours also if you want to see the Philippines pushed to or lead into hell for another six more years after May 2010. And that’s going to be another long year to prepare us for hell aside from the last nine years that are nearly over.

Although there is a song about beautiful nightmare, yours or  mine, I presume  is NOT.  Or maybe,  I  alone is the only one  who is really having a terrible nightmare because of the limited capacity of my (small and unstable) brain,

BAKIT TAYO LAGING NAGPAPALOKO?

Bakit nga ba Pinoy? Sagutin mo!

What if I have a brain as big as the moon but then I am just really stupid? who cares? right?

What if, she, who lusts for power is like a woman who gets her orgasm by thinking of someone else other than the man she makes love to? Some ordinary women admitted to having their orgasms faked out a few or several times, what more for a woman who was able to put up all those never seen before schemes and scams that she, for nearly nine years got away with at ease, leaving most of us crazy while she, enjoys everything, the reason why she wants to be there forever.

Continue reading ‘What if? Welcome to my nightmare!’

Merry Christmas Everyone!

From where I am at right now, taos puso po akong bumabati ng isang Maligayang Pasko sa inyong lahat.

Merry Christmas

Merry Christmas

May God Bless you all always.

Para sa inyo:

May today there be PEACE within.

May you trust your highest power that you are exactly where you are meant to be.

May you not forget the infinite possibilities that are born of faith.

May you use those gifts that you have received, and pass on the love that has been given to you.

May you be content knowing you are a child of God.

Let this presence settle into your bones, and allow your soul the freedom to sing, dance, and bask in the sun. It is there for each and every one of you.

Maraming Salamat.


Tweets

Categories