Malamang sa hindi, minsan, narinig na natin ang panaghoy na ito sa isang tao, sa maraming tao o possible rin na minsan, nasabi na rin natin ang linyang ito.
Sa taong ito, ang dami-daming mga kalamidad, gawa ng tao o kalikasan, ang humagupit sa ating bansa – gyera sa Zamboanga, lindol sa Bohol, bagyong Yolanda sa Visayas, PDAF scam at iba pa.
Ang lahat ng ito ay nakikita ng ating mga mata, nararamdaman natin ang sakit ang hirap ng mga taong nasalanta. Aminin man natin o hindi, apektado rin tayo, nababagabag, napapaisip, napapatanong, Dyos ko, bakit laging ganito?
Minsan, ang mga delubyo ay nagbibigay din ng maraming positibo at negatibong bagay at sigurado alam na ninyo ang marami doon pero, hindi po yon ang punto ko sa muni-muning sulatin kong ito.
May kwento akong naalala. Di ko na lang po matandaan (sensya na po) kung saan o kung sino ang nagkwento.
Minsan, may malakas na bagyong parating. Sinabi ng PAG-ASA na napakalakas nito at ito ay may dalang super lakas na ulan at magdudulot ng mawakang pagbaha sa kabayanan at ang lahat ay pinayuhan na mag ebakwet na sa ligtas na lugar.
Sa isang magarang bahay ng isang mayamang ale na super relihyoso, sinabihan nya ang kanyang mga kasama sa bahay na magdsal para lahat sila at iba pang tao ay maligtas sa perwisyong dala ng parating na bagyo.
Isang araw bago dumating ang bagyo, umikot sa kabayanan ang mga opisyales ng gobyerno at sinabihan ang mayamang ale na lumikas na. Dahil, matindi ang paniniwala ng mayamang ale, sinabi nya sa mga opisyales na di sila lilikas dahil sa paniniwala nya na sila ay maliligtas – Our God will protect and save us.
Dumating ang bagyo, tumataas na ang tubig, pinuntahan ulit ng mga opisyales ang mayamang ale at hinikayat na sumakay na sa truck para sila ay mailikas sa ligtas na lugar. At tulad ng nauna nyang sagot, Our God will protect and save us. Yong iba na lang po ang puntahan ninyo
Tumataas na ang tubig, at inabot na ang bahay ng ale. Umakyat sila sa second floor ng magarang bahay. Tuloy tuloy pa rin ang kanilang pagdarasal.
Dumating ang rescue team sakay ng isang sasakyang pang-tubig. Hinikayat muli ang mayamang ale. at muli, tulad nang mga nauna nyang sagot, our God will protect and save us. Yong iba na lang po ang puntahan ninyo.
Lumaki at tumaas ng tumaas ang tubig habang papalakas ng papalakas ang buhos ng ulan. Napilitang umakyat sa bubungan ang mayaman at relihysong ale kasama ang iba pang tao na nasa magarang bahay.
Muli, dumating ang rescue team at sinabihiang sumakay na kayo dito sa amphibian at lisanin na ninyo ang inyong lugar dahil napaka delikado na. ang mga ibang taong kasama nya ay sumunod sa panawagan ng rescue team subalit ang mayaman at reliyosong ale ay di natinag. Humingi lang sya ng ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig at hinayaan na nyang makalikas ang kayang mga kasama. sinabi nya sa kanila na wag na syan alalahanin, may power ang prayer, my God will listen. My God will save and protect me.
Noong makaalis na ang rescue team, lalong nagngalit ang panahon. Habang ang ale ay nag-iisang nag darasal sa bubungan hawak-hawak ang rosaryo, ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig, hindi na nakayanan ng magarang bahay ang malakas na agos ng tubig baha. Naanod ang magarang bahay. Natigok ang mayaman at reliyosong ale.
Habang naghihingalo ang ale, napansin nya na nasa harapan nya ang Dyos. May konting tampo sya na tinanong si Lord.
“God, bakit po di ninyo dininig ang aking mga dasal. Pinabayaan po ba ninyo ako?”
“Anak, hindi! Sa totoo lang, dinig na dinig ko lahat ng iyong dasal. Sinagot kita pero di mo ako pinakinggan.”
“Papaano po nangyari yon? Kung nadinig po ninyo ang aking mga dasal, di sana, ligtas ako ngayon, di naanod ng baha, buhay na buhay.”
“Anak, di ganon yon. Di ba ilang beses na kitang tinatawag para lumikas. Ilang beses kitang pinadalhan ng tulong para makalikas ka sa ligtas na lugar, pero imbis na tanggapin mo ang aking alok, nagmatigas ka at di ka nakinig.At bago pa ang rescue team at higit sa lahat, BINIGYAn kita ng UTAK para gamitin mo. Sa katunayan, tuwang tuwa ako sa yo noong ginagamit mo yon kaya biniyayaan kita ng mga kayamanan sa mundo. Pero, sa pagkakataong ito, nagulat ako sa iyo. Nawala ang UTAK na ibinigay ko sa yo.”
Hiyang-hiya ang ale. Natameme.
At ito po ang punto ng sulatin kong ito.
Tulad ng ale sa kwento, TAYONG mga PINOY ay BINIYAYAAN ng UTAK. Sa kasamaang palad, di natin ito ginagamit. Ilang beses na ba tayong naghalal ng mga walang kwentang lider kapalit ang ilang pirasong tinapay at isang boteng tubig habang hawak hawak ang rosaryo at nagdarasal, humihingi ng tulong sa Dyos?
Sa mga patindi na patinding kalamidad na humhagupit sa ating bansa, na e expose ang ugali ng mga walang kwentang lider na ibinoboto natin, ang bulok na sistemang hindi natin tinatanggihan bagkos nakikilahok pa tayo. At sa huli, marami sa atin ang nangamamatay sa gutom, sa sakit, sa kawalan ng kabuhayan, sa mga kalamidad at iba pa.
Kung ginagamit lang sana natin ang ating mga UTAK para maintindihan natin ang patindi na patinding mensahe at sagot sa ating mga dasal, SIGURO maliligtas tayo, magiging maayos ang buhay natin.
Malapit na po uli ang eleksyon. Ilang panahon na lang. Gagamitin ba natin ang ating mga UTAK o hahayaan na lang natin matulad sa aleng NATIGOK?
Sana, kung makakaharap natin Sya, hindi na sana ma-replay ang usapan ng ale at Dyos:
“God, bakit po di ninyo dinidinig ang aking mga dasal. Pinabayaan po ba ninyo ako?”
“Anak, hindi! Sa totoo lang, dinig na dinig ko lahat ng iyong dasal. Sinagot kita pero di mo ako pinakinggan.”
“Papaano po nangyari yon. Kung nadinig ninyo ang aking mga dasal, di sana, ligtas ako ngayon, di naanod ng baha, buhay na buhay.”
“Anak, di ganon yon. Di ba ilang beses na kitang tinatawag para lumikas. Ilang bese kitang pinadalhan ng tulong para makalikas ka sa ligtas na lugar, pero imbis na tanggapin mo ang aking alok, nagmatigas ka at di ka nakinig.At bago pa ang rescue team at higit sa lahat, BINIGYAn kita ng UTAK para gamitin mo. Sa katunayan, tuwang tuwa ako sa yo noong ginagamit mo yon kaya biniyayaan kita ng mga kayamanan sa mundo. Pero, sa pagkakataong ito, nagulat ako sa iyo. Nawala ang UTAK na ibinigay ko sa yo.
ANAK, di mo ba napapansin, palakas ng palakas ang aking mga KATOKsa pintuan mo. Sana naman, gamitin mo ANG UTAK mo para unawain at intimdhin mo ang mensahe ko ”
Sana. Sana nga. Sana nga. Sana nga! Harinawa!
^***
Naghihintay sa ano mang sagot ninyo, malumanay man o bayolente. he he he